Celebrity Life

Rufa Mae Quinto entertains netizens through her hilarious makeup tutorial

By EJ Chua

Wala pa ring kupas ang husay sa pagpapasaya at pagpapatawa ng comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto.

Aliw na aliw ang netizens na nakapanood ng latest video ni Rufa na ibinahagi niya kamakailan lang sa kanyang Instagram account.

Suot ang kanyang tie dye na sando, nag-video si Rufa habang siya ay kunwaring nagsasagawa ng makeup tutorial.

Mababasa sa video ang text na, “I makeup tutorial myself.”

Sulat naman ng celebrity mom sa caption ng kanyang IG post, “Good day beautiful people! I make-up tutorial myself …Polbo Lang keri na haha [laugh emoji].”

Ang kanyang IG followers at ilang netizens, hindi napigilang mag-react at ang ilan ay napa-comment pa sa kanyang post nang mapanood ang kuwelang video ng aktres.

Ayon sa netizen na si yeloropesa, “I makeup tutorial myself hahahaha, title pa lang mom [cry, heart, and laugh emojis].”

Ang ilang followers at fans naman ni Rufa, humiling pa na sana raw ay may pa-voice over din ang kanyang video.

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 2,500 likes ang video ni Rufa.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA RUFA MAE AT NG KANYANG ANAK NA SI ATHENA SA GALLERY SA IBABA: