Celebrity Life

Dingdong Dantes, kinabahan kay Ms. Maricel Soriano


Sumabak na sa taping ang cast ng upcoming primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real last April 14. Unang kinunan ang mga eksena nina Diamond Star Maricel Soriano at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa isang bahay sa Greenhills, San Juan.

"Unang scene ko, sabak agad. Kaming dalawa lang ni Ms. Maricel Soriano. As expected, talagang kinabahan ako pero siyempre, at the same time, this is it. So very excited din, for me as an actor, na makasama ako sa show na ito, tapos 'yun agad ang eksena," kuwento ni Dong nang makapanayam ng press.

Hindi niya rin itinanggi na kahit ilang teleserye na ang kanyang nagawa at maraming veteran actors na rin ang kanyang nakatrabaho ay kinabahan at na-starstruck siya sa Diamond Star.

"Sana hindi [niya napansin na kinabahan ako] (laughs). Starstruck na starstruck talaga ako. No wonder kung bakit talagang ang daming taong humahanga sa kanya."

Para nga daw siyang nasa first day of school dahil ito ang unang beses na makakatrabaho niya ang Taray Queen. Nakakaramdam pa rin kaya siya ng pressure?

"Of course, of course. Masaya naman kapag parating may pressure, hindi naman puwedeng parating kampante. 'Yun naman ang maganda doon, kasi once nape-pressure ka, ibig sabihin mahalaga para sa 'yo ang ginagawa mo at magagawa mo siya ng maayos, maganda at siyempre gusto mo rin na manabik ang audience," sagot ni Dong.

Dagdag pa niya, isang hamon ang character niya dito dahil umiikot ito sa kuwento ng isang lalaking may dalawang magkaibang obligasyon.

"Very complicated siya especially for me kasi this is someone na may experience na sa pag-aasawa, so challenge ang mga eksena na wala ka namang kaalam-alam on how it really is to be in a married relationship. Pero dahil sa beauty of the script and the execution of the director, things are quite easy now for us but siyempre excited ako sa collaboration naming lahat, lalo na with Lovi and of course, Ms. Maricel Soriano."

Malaki rin ang pasasalamat ni Dong sa Kapuso network na sa kanya binigay ang Ang Dalawang Mrs. Real. He also looks forward to learning new techniques from his co-stars.

"Maganda parati kapag may bago kang natututunan. Maganda kapag open ka sa mga bagay na nakaka-excite at macha-challenge ka. I've always liked this feeling. I'm so privileged, at nagpapasalamat ako sa GMA na binigyan ako ng ganitong klaseng show na napakagaling ng mga kasama ko."

Abangan ang pagbabalik ni Dingdong Dantes sa primetime via Ang Dalawang Mrs. Real, premiering this June on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com