Celebrity Life

Jackie Rice, handa na bang mag-asawa?


Limang taon na ang relasyon ni Jackie Rice at ng kanyang non-showbiz boyfriend. Ayon sa Innamorata actress, lalong tumatatag ang kanilang relasyon. Sa altar na nga kaya ang tuloy nila?

Nilinaw ng StarStruck season 3 Ultimate Female Survivor na hindi pa siya handang mag-settle down sa ngayon.

Aniya,“Iniisip nila na doon na papunta ang relasyon namin. Bata pa po ako. Hindi pa po naming napag-uusapan.”

Sa ngayon,priority niya ang kanyang career. Mas bukas na rin siya sa pagtanggap ng mas challenging na roles dahil nais niyang mas pagbutihan pa ang kanyang pag-arte. Sa katunayan, parte si Jackie ng isang independent film under sa award-winning director na si Joel Lamangan, ang Sitio Camcam. Sa pelikula, si Jackie ang ikatlong asawa ng isang siga.

Marami pang gustong magampanan at mapatunayan sa industriya si Jackie, at nakasuporta sa kanyang mga desisyon ang kanyang kasintahan.

“Marami pa po akong plano. Alam ko po iyong priority ko at alam niya rin iyon. Alam niya iyong pangarap ko at iyong mga gusto ko pang puntahan. Alam niyang gusto kong tulungan ang pamilya ko. Alam kong mahal niya ako kaya naiintindihan niya iyon,” ani Jackie.

Kung hindi pa handang mag-asawa si Jackie ngayon, kalian kaya?

Sagot ng mestiza actress, “Siyempre nag-boyfriend ako kasi gusto kong siya na sana, pero hindi pa ngayon, hindi pa bukas, hindi pa next year. Matagal pa po. Siguro po kapag 29 na ako, bago mag-30.”

Patuloy na subaybayan si Jackie Rice sa Innamorata araw-araw sa GMA Afternoon Prime. Para makatanggap ng updates, mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com