Celebrity Life

Kelvin Miranda, naapektuhan ng mental health issue ang relasyon sa pamilya at kaibigan

By Kristian Eric Javier

Inamin ni Kelvin Miranda na malaki ang naging epekto ng kanyang mental health issue sa relasyon niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Minsan oo kasi hindi ko nako-control 'yung emotions ko, e. So minsan, nagma-manic ako, ang bilis kong mairita sa mga bagay kahit na ayoko lang, na paulit-ulit siyang nangyayari kasi parang nagiging trauma siya sa akin, e,” pagkukwento ni Kelvin sa Lie Detector test vlog ng kapwa Kapuso star na si Bea Alonzo.

Ang pagkakaroon ng manic episode ay pagkakaroon ng elevated o irritable mood na tuloy-tuloy, intense na energy, racing thoughts, at iba pang exaggerated behaviors. Minsan ay nagiging dahilan din ito ng pagkakaroon ng reckless na behavior at pakiramdam na invicible ka o hindi ka masasaktan o mapapahamak.

Nang tanungin ni Bea kung paano niya nalalampasan ang kanyang mga manic episodes, sinagot ng aktor, “Natutunan kong sabihin na hindi ako okay.

“Dati kasi, nilalabanan ko, e, 'Hindi, ok ako.' 'Tapos ina-acknowledge ko hanggang sa mag-overflow lang, hanggang sa lumipas lang, ma-overcome,” sabi nito.

Ngunit ayon kay Kevin, minsan kahit ganun ang ginagawa niya ay “lumulusot pa rin” ang kanyang manic attacks dahil hindi niya mapigilan ang kanyang mga emosyon.

Una nang inilahad ni Kelvin ang pagkakaroon niya ng bipolar disorder at post-traumatic stress disorder (PTSD) na may ADHD o attention deficit hyperactivity disorder sa interview niya sa “Chika Minute” para sa 24 Oras noong 2022.

Sa vlog ni Bea, sinabi na ng binatang aktor na hindi naging madali para sa kanya aminin ang kanyang mental health disorder ngunit nang matanggap niya ang kanyang sitwasyon, ay pinili niyang ilahad ito dahil parte na ng pagkatao niya ang pagbabahagi.

“Hindi lang pera, hindi lang karunungan, syempre stories and experiences,” saad ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis actor.

Panoorin ang buong Lie Detector challenge ni Kelvin dito:

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI KELVIN MIRANDA SA GALLERY NA ITO: