Celebrity Life

MJ Lastimosa, sinabing malayo ang mararating ni Michelle Dee sa pageantry

By Kristian Eric Javier

Para sa Miss Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa, malayo ang mararating ng pinakabagong Miss Universe Philippines na si Michelle Dee sa pageantry, lalo na ngayon na naghahanda na ito para sa international pageant.

Sa interview niya sa online entertainment show na "Marites University," tinanong si MJ kung ano ang masasabi niya sa pangba-bash na natanggap ni Michelle nang koronahan ito bilang Miss Universe Philippines 2023, at sinasabing ibinigay lang ang panalo dito.

Ayon kay MJ, “Parang lagi naman (nangyayari), lalo na kung mga second timer 'yung nananalo, third timer. Like any member, during Janine Tugonon's time, grabe talaga 'yung bashing.”

Ayon kay MJ, normal daw na may mga crowd favorite na kandidata sa mga pageants. At kapag hindi nanalo ang crowd favorite, “talagang negative reaction talaga 'yan.”

“At ang pinakamabigat na ano niyan, sa nanalo, akala mo kasalanan niya. 'Hindi naman po ako 'yung nagdesisyon na ako 'yung mananalo, lumaban lang naman po ako.' So I think, part naman na talaga 'yun,” sabi nito.

Dagdag ng aktres at former beauty queen, “But you know what, I really think that she's gonna do well.”

At nang ma-open ang pagiging bisexual ni Michelle, ang sagot ni MJ ay “Ok lang po 'yun! 'Yung first runner up ng batch ni Shamcey (Supsup), she was (bi).”

Samantala, nang tanungin naman si MJ kung okay lang sa kaniya na sumali ang mga transgender sa mga pageants, sinabi nitong okay lang din siya dito, ngunit hindi pa ito maaaring mangyari sa mga local pageants.

“Mahirap pong mangyari kasi isa sa mga requirement, I think, is to have a passport na female which is undoable in the Philippines,” sabi nito.

Dagdag pa niya, “In other countries kasi, you can change your papers. 'Yun po 'yung hindi magagawa sa atin. I think we're really really far from that.”

Nilinaw ni MJ na kung sakaling wala ang ganung requirement ay okay lang sa kaniya sumali ang mga transgender sa pageant.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA 'ANGAS LOOKS' NI MICHELLE, PATUNAY NA HINDI LANG SIYA BASTA ISANG BEAUTY QUEEN: