Celebrity Life

Diana Zubiri at Andy Smith, sinagot ang bashers ng kanilang vlog

By Maine Aquino

Nagsalita na ang mag-asawa na sina Diana Zubiri at Andy Smith sa mga bashers ng kanilang YouTube channel.

Una nilang inilahad ang saloobin sa mga patuloy na nagsusulat ng negative comments sa kanilang vlogs.

"We READ as many comments as we can but sometimes we see some that GO TOO FAR! Although we are just sharing a few minutes of our everyday life, some people feel the need to leave their negative thoughts forgetting we are just simple people trying to enjoy our life. So today we decided to answer some of those messages. The story we are telling today we have NEVER mentioned before even to some of our closest friends and family."

Isa sa mga binigyang pansin nina Diana at Andy ay ang kanilang vlog na "We Got Separated: Naiyak Ako."

Unang nagsalita si Andy ng kaniyang saloobin tungkol sa vlog na ito at sa pangba-bash na kanilang natanggap. Ayon sa comment na kanilang binasa, "Ang arte akala mo kung ano! Mas maiyak ka kung wala kayong makain."


Ani Andy, "It affects us because you don't really know the background story of what we meant by being separated."

Dugtong pa ni Andy, "A little bit of a back story of what we meant by this vlog we haven't been separated from our kids basically since the start of the pandemic which was in 2020."

Ayon kay Andy, may nangyari sa kanilang anak na si Amira Jade o Mimi kaya naman nahirapan silang ma-separate sa anak.

"I haven't shared this story, at three months old... this was in the Philippines, she left the baby with me and the baby was sitting in my lap and she had just fed, she just had some milk. I was holding her and she kind of burped and milk came out of her mouth and went back in. She coughed and I thought she should be okay, after two or three coughs I could see something is wrong. I really don't know what to do."

Saad ni Andy, hindi nagre-respond ang kanilang anak dahil hindi siya makahinga.

Kuwento naman ni Diana, agad silang humingi ng tulong. Ani Diana, "Tinawagan ko 'yung helper, tinawagan ko 'yung doktor, she doesn't understand me kung ano'ng gagawin sabi niya just go to the ER quickly. Hindi namin alam at that time naga-aspirate pala siya at nalulunod siya doon sa milk na na-stuck sa kaniya."

Sa tulong daw ng helper nina Diana at Andy ay nakahinga na rin ng maayos si Mimi.

"Buti na lang 'yung helper ko, she knows what to do. After that siyempre, nakahinga na rin kami ng maluwag kasi kita mo na siya she's okay pero purple na 'yung mga dito niya. We still went to the hospital para lang ma-check up siya ng doktor, para ma-clear lang din kung okay na ba, kung walang pumasok sa lungs niya."

Ayon kay Diana hindi niya ito naikuwento sa kanilang channel dahil matagal na nangyari ito.

"Hindi mo siya gustong mangyari sa anak mo at hindi namin makwento sa inyo kasi it happened way way back. And we dont really want to add drama kasi tapos na rin naman siya."

Saad pa ng aktres, "Ito 'yung history ng video na ito kaya ako naiyak siguro, kaya ako naging medyo emotional dahil it's hard for me talaga na iwan siya kasi minsan 'pag naaalala mo 'yung moment na 'yun siyempre bilang nanay ayaw mo na siyang maalala, ayaw mo na siyang maulit, ayaw mo siyang iwan. At the same time, si Mimi kailangan niyang matuto."

Para kay Diana, unfair na makabasa ng negative comments lalo na kung hindi naman nila alam ang mga totoong nangyayari.

"Para makarinig kami at makabasa kami ng ganitong comment, parang unfair lang," aniya.


SAMANTALA, TINGNAN ANG BUHAY NINA DIANA AT ANDY SA AUSTRALIA: