Celebrity Life

Louise delos Reyes, nami-miss si Alden Richards


Dahil si Aljur Abrenica ang bagong leading man ng aktres na si Louise delos Reyes sa Kambal Sirena, kumusta na nga ba ang kanyang friendship with former love team, Alden Richards?

“Kami ni Alden, magkaaway po kami ngayon,” pabirong sagot ni Louise. Dagdag niya, “Okay naman kami. Isa rin siya sa mga pinaka-supportive na friend ko dito sa industriya.”

Matatandaang ni-launch ang loveteam na Louise at Alden sa kanilang first big break na Alakdana kaya’t naging malapit na umano sila sa isa’t isa. “Halos sabay kaming lumaki sa GMA,” saad niya.

Dahil sobrang komportable na sila sa isa’t isa, nagbibigay na umano si Alden ng mga advice sa kanya. “Sobrang thankful ako sa lahat ng mga in-advice niya sa akin about life, about love. Yes, nag-a-advice po siya about love,” natatawang kuwento ng aktres.

Umamin din si Louise na nami-miss niya ang bonding nila ni Alden kapag may taping sila. Ngunit masaya naman umano sila sa kani-kanilang trabaho ngayon.

“Masaya naman din sila ni Carmela (Marian Rivera), kaya sabi ko, masaya din kami ni Kevin (Aljur Abrenica) at ni Jun (Mike Tan),” masayang pagtatapos ni Louise.

Patuloy na subaybayan si Louise delos Reyes sa kanyang pagganap bilang Alona at Perlas sa Kambal Sirena, Monday to Friday pagkatapos ng 24 Oras.

Para sa iba pang updates mula kay Louise delos Reyes at sa inyong paboritong Kapuso stars, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com