Celebrity Life

Lovi Poe, may inamin tungkol kay Rocco Nacino


Kinulit man pero hindi umamin si Kapuso actress na si Lovi Poe na magkasintahan na nga sila ni drama actor Rocco Nacino. Sa live interview ni Heart Evangelista kay Lovi nitong Linggo (May 11) sa StartalkTX, pinili nang dalaga na 'wag kumpirmahin na boyfriend na nga niya ang binata.

Sabi ni Lovi, “This is I have to say, I don’t want to wrap my head on the idea of us being committed. Although what we have is something very beautiful, pero I don’t think there is anything wrong with me being independent, so I just want to keep that way first”.

Kagagaling lang nina Lovi at Rocco noong April sa mahigit two and a half week vacation sa Europe. Mas lalong umigting ang bali-balita na magkarelasyon na ang dalawa dahil sa mga kumakalat na larawan nila na super sweet on social media.

Nang tanungin Ang Dalawang Mrs. Real star kung ano ba ang nagustuhan niya kay Rocco, sagot niya, “Siguro the fact that he is very funny [and] he makes me laugh a lot, which is very important for me, 'yun 'yung pinakaimportante sa akin. Pag boring ang isang tao, cross out na.”

“And he is very smart, the fact that he is a nurse, makes me feel attracted to him. Anybody with a beautiful mind is good” dagdag pa nito.

Ayon kay Lovi ang most memorable experience niya with Rocco nung nag-Europe sila ay 'yung first day nila sa Rome, may gustong bilhin daw ang dalaga na painting, kaso hindi daw siya marunong tumawad, pero si Rocco natawaran daw nito nang half price ang painting.

Sa tanong ni Heart na kunwari pinakasalan ng dalaga si Rocco at malaman nito na may asawa na ito, ano ang magiging reaksyon niya, sagot nito “I’m gonna leave. I’ll leave. I think for every women sa mundong ito ang importante ay nakakatayo ka sa sarili mong paa, para just in case may mangyaring ganung sitwasyon, kaya mong umalis, kasi alam mo kaya mo 'yung sarili mo”.

Abangan Ang Dalawang Mrs. Real kasama ni Lovi si Kapuso actor Dingdong Dantes at ang Diamond Star Maricel Soriano on June 2 sa GMA Telebabad. For more news about our Kapuso actors and actress log on to www.gmanetwork.com.

Interview by Heart Evangelista in StartalkTX, Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada