Celebrity Life

Kris Bernal, ibinahagi ang mga natanggap na regalo para sa kaniyang anak

By Maine Aquino

Ipinakita ni Kris Bernal ang kaniyang unboxing para sa mga regalong natanggap mula sa kanilang ginanap na gender reveal at baby shower.

Sa unboxing vlog ay inilahad ni Kris na oras na para buksan ang mga regalo para sa pagdating ng kanilang unica hija ni Perry Choi.

PHOTO SOURCE: YouTube: Kris Bernal

Ayon kay Kris, kailangan na nilang malaman ang mga dapat pa nilang bilhin para sa nalalapit niyang panganganak.

Si Kris ay nakatakdang ipanganak ang kanilang baby girl ngayong August.

Ani Kris, "Hi, She-zums! Time to unbox the gifts we received during our gender reveal and baby shower parties to help us determine what more we need to buy! Ang bongga ng mga regalo!"

RELATED GALLERY: All the photos of Kris Bernal that prove she's a stunning pregnant mom


Ipinaliwanag din ni Kris na kailangan pa nilang matuto ni Perry ng tamang paggamit ng kanilang mga natanggap na regalo.

"At the same time, there's still so much to learn from using these baby gifts!"

Sa huli nagpasalamat si Kris sa mga dumalo at nagbigay ng regalo sa kanilang first baby.

"We appreciate you showering our baby with presents, but simply being there for us and being supportive is enough. Thank you for all your warm wishes and prayers!"

Sa vlog, ipinakita ni Kris na nagbigay ng regalo sina Carla Abellana, Thea Tolentino, Rita Daniela, Sanya Lopez, at marami pang iba.

Panoorin ang vlog ni Kris dito: