
Malaking ngiti at mahigpit na yakap ang ibinigay ni Alden Richards kay Ruby Rodriguez nang muli silang magkita sa Amerika.
Matatandaan na magkasama sina Alden at Ruby noon sa programang Eat Bulaga bilang co-hosts.
Sa Instagram, ibinahagi ni Ruby ang larawan ng kanilang mini reunion ni Alden kasama pa si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
“I'm so happy to be reunited with my anak @aldenrichards02 and the beautiful @michelledee,” saad ni Ruby sa caption ng kaniyang post.
Taong 2021 nang magdesisyon si Ruby na manirahan na sa Amerika upang matutukan ang pagpapagamot ng kanyang anak na si AJ na mayroong rare medical condition.
SILIPIN ANG BAGONG BUHAY NI RUBY RODRIGUEZ SA AMERIKA DITO:
Mula sa pagiging TV host at aktres, may bagong trabaho ngayon si Ruby sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
Kasalukuyan namang nasa Amerika ngayon sina Alden at Michelle para sa GMA Pinoy TV event, ang Miss Filipina International.