Celebrity Life

'Masarap gumawa ng old fashioned role' - Luis Alandy


Aminado si Luis Alandy na old fashioned siya sa totoong buhay tulad ng kanyang karakter na si Arnaldo sa Afternoon Prime na Innamorata. Kaya’t ang kanyang dream role ay isa ring makalumang pelikula o series.

Kuwento ni Luis, “ang daming roles na gusto kong gawin, pero parang masarap gumawa ng old fashioned na role”.

“Parang mga 1960's kasi parang feeling ko noong time na 'yun, kunyari gagawa ka ng series or film na ganoon and incorporate it with a new attitude ngayon na positive and interesting, 'di katulad ng dati na parang sobrang seryoso,” dagdag ng aktor.

Kung si Luis ang gaganap na lead actor, kakailanganin ang leading lady para sa kanyang dream project. Aniya, “Kahit sino [ang maging leading lady ko], I'm not in any position na mamili. Whoever is meant or they think na okay maka-partner”.

Naniniwala naman ang aktor na maraming magagaling na aktres ngayon kaya’t wala siyang napupusuang partikular na leading lady.

“Kasi I think maraming talented ngayon na artista sa GMA. And right now on-going parati ang workshop to develop our talents so it's a very good thing,” pahayag ni Luis.

Patuloy na subaybayan si Luis Alandy sa Innamorata, Monday to Friday pagkatapos ng Villa Quintana.

Para sa iba pang updates tungkol kay Luis Alandy at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com