Celebrity Life

Chef Boy Logro’s rise to fame


Sa sunod sunod na mga proyekto ni Chef Boy Logro, maituturing na siyang isang star hindi lamang sa kusina, kundi pati na rin sa telebisyon.

“Para pong panaginip”, ito ang naging pahayag ni Chef Boy nang malaman niya na siya ay kukunin ng GMA bilang isang cooking show host.

“Nung nakita nila 'yung papel ko, tinanggap nila rito sa GMA. Kasi nakita nila 'yung papel ko na unable to perform on stage, e this is a TV show. He's not a graduate of high school. Ang akala kasi nila hindi ako marunong mag-Ingles. E nagtrabaho ako sa abroad,” natatawang pahayag ni Chef Boy.

Para sa kuwelang chef, lagi niyang iniisip na ang kanyang trabaho ay isang blessing sa kanyang buhay. Aniya, “Lagi nilang sinasabi na I am fortunate that I have my own show. Minsan lang mangyayari ito sa buhay ko kaya iniisip ko ‘yung humble beginnings ko”.

Dagdag ni Chef Boy, “mahirap ang pamilya ko, tapos nabigyan ako ng chance na ganito, bakit hindi ko pa pagbubutihin? Bakit hindi ko bibigyan ng buhay, ito na e! This will be a continuous thing as long as buhay pa ako”.

Abangan si Chef Boy Logro sa Basta Every Day Happy sa GMA 7 at sa Idol sa Kusina sa GMA News TV.

Para sa iba pang updates tungkol kay Chef Boy Logro at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com