
Kinilala si athlete-turned-actor Matteo Guidicelli sa Motorsport Carnivale, isang bagong lunsad na sporting event para i-promote ang larangan ng motorsport sa Pilipinas.
Iginawad kay Matteo ang Philippine MotorSport Icon Award bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa development ng motorsports sa Pilipinas.
Source: matteog (IG)
Matatandaang isang multiple champion sa larangan ng karting si Matteo bago niya pinili na maging isang aktor.
Bukod kay Matteo, nakatanggap din ng parehong parangal ang female racer na si Michele Bumgarner na kasabayan niya sa karting noon.
Dahil sa natanggap na pagkilala, binalikan ni Matteo ang ilang mahahalagang bahagi ng kanyang racing career.
Nag-share rin siya ng ilang pictures mula sa awarding ng Motorsport Carnival at maging ilang throwback photos niya noong nako-compete pa siya sa karting.
"Honored to share the 'Philippine Motorsport Icon Award' with my tough rival, Michele Bumgarner. It was a night of looking back at the start, the years we spent racing, working as a team, overcoming crashes, and earning wins. This is for my mama, papa, our best mechanic Jed boy Neri, and the entire CEBU RACING GROUP (CRG). Looking forward to the day a FILIPINO makes it to Formula One. Here's to remembering the past, living passionately, and dreaming big for the future. Salamat!" sulat niya sa Instagram.
Abala ngayon si Matteo sa taping ng upcoming full action series na Black Rider kung saan makakasama niya si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.
Ito ang teleserye comeback ni Matteo matapos ang mahigit apat na taon.
Bukod dito, itinilaga rin si Matteo bilang Anti-Piracy Ambassador ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).