
Teleserye comeback ng aktor na si Matteo Guidicelli ang Black Rider, ang upcoming full action series mula sa GMA Public Affairs.
Matatandaang mas nag-concentrate si Matteo sa hosting kaya ito ang una niyang teleserye sa loob ng apat na taon.
Gaganap siya dito bilang Paeng, isang pulis at kababata ng delivery rider na si Elias--karakter ni Kapuso Action Drama Prine Ruru Madrid.
Sila ang magiging magkatuwang sa pagharap sa misteryosong sindikato na Golden Scorpion.
Nagsimula nang mag-taping si Matteo kamakailan at ibinahagi niya sa kanyang Instagram stories ang isa sa mga unang eksena nila ni Ruru.
"Back on the teleserye set after more than 4 years! #blackrider," sulat niya sa kanyang post.
Samantala, sumabak din si Matteo sa martial arts training dahil matitindi raw ang action scenes na gagawin nila sa serye.
"Napaka tindi ng mga action scenes from direk Monti [Parungao] and the writers of course who created this whole series. The action scenes are one of a kind, different," lahad niya sa isang interview.
Proud din daw siya na mabibigyan ng pagpupugay ng serye ang delivery riders na nagsilbing frontliners noong kasagsagan ng pandemic.
"They developed this whole show to give due respect sa lahat ng mga frontliners. Noong pandemic, nagmo-motor sila. Lahat ng mga delivery riders, kahit sobrang pandemic, nagtatrabaho pa rin sila," bahagi ng aktor.
Abangan sina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: