Silipin ang mga nagbigay suporta kay Marian Rivera para sa nalalapit na pagsilang ng ikalawang anak nila ni Dingdong Dantes.
Nitong February 24 ay bumuhos ang pagmamahal at suporta mula sa pamilya at kaibigan ni Marian Rivera para sa nalalapit na pagdating ng ikalawang anak nila ni Dingdong Dantes.
Marian posed with her mother Amalia and grandmother Francisca.
Nagpaunlak ng interview ang Kapuso Primetime King and Queen para magbigay ng update sa nalalapit na pagdating ng kanilang ikalawang anak.
Dumating rin ang 'Sunday PinaSaya' co-star at matalik na kaibigan ni Marian na si Aiai delas Alas.
Present din ang pretty Kapuso na si Ash Ortega. Saad niya sa kanyang post, "Congratulations ate Yan!! We all can't wait to see your baby boy [heart emoji]. Missing the cast of Super Ma'am #OhBabyDantes"
Very supportive ang close friend ni Marian na si Ana Feleo.
Si Bettinna Carlos ay nakipag-bonding sa panganay nina Dingdong at Marian na si Zia. Aniya, "My inaanak #MariaLetizia. Getting more and more beautiful each time I see her."
Hindi na-miss ng bestfriend ni Marian na si Roxanne Barcelo ang importanteng gabi na ito.
Present rin si Angelu de Leon at nagbigay rin siya ng mensahe para sa soon-to-be parents of two adorable kids. "Over the moon baby shower for the blooming mother @marianrivera. We can't wait to meet baby boy Dantes. Congratulations @dongdantes and @marianrivera! Praying for your safe delivery and a healthy baby. God bless your family always."
Nagpakita rin ng pagmamahal sina Jennylyn Mercado at Sheena Halili para kay Marian.
Game na game si Zia sa kanyang performance.
Joylyn Santos, Teena Barretto, Boobay at si Ana Feleo with beautiful Marian.
Nagsama sama rin ang mga 'Super Ma'am' co-stars na sina Ralph Noriega, Big Mac Andaya at Ash Ortega para sa special day ni Marian.
Ang kaibigan ni Marian at makeup artist na si Bambbi Fuentes ay parte rin ng celebration.
Excited na ang DongYan na makita soon ang kanilang second baby!