Celebrity Life

Phytos Ramirez's crush: 'Lahat ng positive na nabasa mo sa dictionary, nasa kanya'


Isa sa mga kinakikiligang Kapuso actors si Phytos Ramirez. Matapos ang kanyang appearance sa Paraiso Ko’y Ikaw, nagkaroon na siya ng following.

Sino ba naman ang hindi mai-in love sa charming dimples at pretty boy looks niya?

Sa dating, ano ba ang diskarte ni Phytos? Naniniwala ba siya na okay lang mag-“collect and select?”

Aniya, “Sabi nga nila, collect and collect and choose, pero mas okay ‘yung stick to one ka. Mas okay na kung siya na talaga ‘yung gusto mo, sa kanya ka na lang mag-focus. It will be easier for both of you.”

Paano niya ipinaparamdam sa isang babae na may gusto siya rito? May special technique ba siya?

Sagot ni Phytos, “Ang ginagawa ko kapag may gusto akong girl, importante sa akin na mas makilala ko siya bago dumating sa point na manligaw. Mas okay na parati mo siyang nakakausap na hindi lang via text.”

Maraming mga babae ang naa-attract sa mga tinatawag na “player.”  May tips ba si Phytos para malaman ng mga babae na sincere ang intentions sa kanila ng isang lalaki?

“Mas okay ‘yung personal kayong nagkikita at nagha-hang out kayo with friends. Observe mo lang ‘yung ugali niya and the way he treats you. Isipin mo if you deserve him. Pero kung bad boy siya, nasa iyo ‘yun kung tatanggapin mo siya kasi hindi naman siya magbabago para sa iyo,” payo niya.

Usong-uso rin ngayon ang dating apps. Mairerekomenda ba niya ito sa mga single ngayon?

Tugon ni Phytos, “Everytime na lumalabas ka, there’s a lot of people na makikilala mo. Ang daming possibilities. Kung may makikilala ka, may makikilala ka. It’s better to leave it to chance kaysa ipilit mo. Hindi mo kailangan ng mga dating app.”

Tinanong namin si Phytos kung may nakilala na siya na posibleng magustuhan niya. Wala raw siyang nililigawan ngayon, pero inamin niyang humahanga siya sa Paraiso Ko’y Ikaw leading lady niya na si Joyce Ching.

Ano ang mga katangian ni Joyce na nagustuhan ni Phytos?

“Kulang ‘yung ilang words to describe her kasi lahat ng positive na nabasa mo sa dictionary nasa kanya. Iba siya. Iyon ang nagustuhan ko kay Joyce,” sagot niya.

Para makatanggap ng updates kay Phytos at sa iba pang Kapuso stars and shows, mag log-on lang sa www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com