Celebrity Life

What makes Julie Anne happy?


Maraming fans ang napapasaya ni Julie Anne sa bawat performance, guesting, mall show at kanta. Ano o sino naman kaya ang nagpapasaya sa 20-year-old singer?

Music

Hindi lang mahilig kumanta si Julie, pero mahilig din siyang makinig ng music. Isa daw sa kanyang pinaka-paboritong genres ay ang house music.

“I love house music kasi it really wakes my soul up. Parang ang saya ng feeling kapag 'yung music, party party, 'di ba?” aniya.

Loved ones

“What makes me happy are the people around me, people I like,” kuwento ni Julie. Ilan daw dito ang kanyang family at friends.

Sa showbiz, sino nga ba ang pinaka-close ni Julie? “Well kasi ang close ko talaga dito sa showbiz is Frencheska Farr,” dagdag niya.

Supporters

Instant good vibes rin ang dala ng mga taga-hanga ni Julie Anne. Hindi lang basta fans ang tingin niya sa kanila,  mag-kaibigan na rin ang turingan nila.

“Na-o-overwhelm ako at na-ta-touch [dahil] sobra 'yung suporta… I’m really, really happy na sobra 'yung pinaparamdam nilang pagmamahal sa akin,” sabi niya.

Dahil sa pagiging masayahin at simple ni Julie Anne, hindi nakagugulat na isa siya sa mga young stars ngayon na madami ang sumusuporta.

Panoorin ang tuloy-tuloy na pagpapasaya niya sa Sunday All Stars tuwing Linggo.

-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com