
Game na game na kumasa sa "Price Tag" dance challenge ang Royal Blood child actress na si Sienna Stevens.
Kasunod nang pag-viral ng "Price Tag" dance challenge sa TikTok ni Primetime Queen Marian Rivera, ilang celebrities din ang sumubok na gayahin ito tulad nina comedy queen Aiai Delas Alas at Sienna Stevens.
Talaga namang kinagiliwan ng netizens ang video ni Sienna habang cute na cute na sumasayaw sa dance challenge na ito, na kasalukuyang mayroong 3.4 million views sa TikTok.
@gmanetwork Our bebe Lizzy definitely slayed the #PriceTag dance challenge!!! Ang cute! 🥰 #tiktoktainmentph #siennastevens #royalblood ♬ price tag - speed sounds
Komento ni Xianang Grace, "Ang cute g Lizzy baby sa Royal Blood."
Dagdag ni Sofia Tumabaga, "Wow! Galing ni Baby Lizzy."
"Gandang bata," sabi naman ng netizen na si Mayang.
"Naku! Naipasa na ni Marian sa 'yo, ang cute. 'Yung mata n'ya sumasabay sa kanta parang kay Marian," sulat ni Jhaybe.
Hindi lang netizens ang natuwa sa video na ito ni Sienna kung hindi maging si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na gumaganap na Tatay Napoy niya sa Royal Blood, at ang co-stars na sina Lianne Valentin, Princess Aliyah, Melissa Avelino, at Royal Blood Senior Program Manager Redgynn Alba.
"Go go go, Lizzie!" pagsuporta ni Dingdong.
Patuloy na subaybayan si Sienna sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
MAS KILALANIN SI SIENNA STEVENS SA GALLERY NA ITO: