Celebrity Life

Mikael Daez vs. the online bashers


Tulad ng ibang mga artista, nakakatanggap din ng negative comments ang Kapuso artist na si Mikael Daez.

Ano ang kanyang masasabi sa mga taong patuloy na bumabatikos sa kanya at kapwa niya mga artista?

"I guess I think lahat naman meron, pero hindi ko pinapansin e. Di ko pinapatulan kasi, so hindi ko napapansin. Sobrang hindi ako pumapatol sa ganyan kaya hindi ko talaga mapapansin. Pero I'm sure meron ‘yung mga nag-trip lang. Wala ‘yung mga nag-joke lang," pahayag ni Mikael.

Kuwento ni Mikael, hindi umano siya nasasaktan sa mga sinasabi ng mga tao sa kanya. "May naalala ako sinabi niya, ‘yung sa panga ko. But the thing is proud na proud ako sa panga ko. So sabi nila, 'Uy, si Mikael, ang laki ng panga!' Oo, di ba? Tuna of the world!" natatawang saad ng aktor.

Ngunit hindi lahat ay tulad ni Mikael. May mga artistang sinasagot ang kanilang bashers so social networking sites.

"Well, I mean kanya-kanyang reaction lang ‘yan. Kung lahat kami pare-pareho, di napaka-boring siguro ng mundo. Hopefully, lang walang mangyaring masama dahil pinapatulan nila ‘yung bashers. So ganoon lang, everybody is different. So everybody handles it differently."

Dagdag ni Mikael, "Mahirap sabihin kung tama o mali ‘yung mga ginagawa nila, para sa akin, eto 'yung ginagawa ko. Pero sa ibang tao, kung titingnan nila baka dapat pinapatulan nila. Pero like I said, it's hard to judge people. I think dapat kung happy ka lang sa ginagawa mo, okay na 'yun. That's good enough. I'm not in any position to judge anybody."

Para sa updates mula kay Mikael Daez at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log in sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com