Celebrity Life

Chef Boy Logro kabado sa Basta Every Day Happy


Energetic at full of life si Chef Boy sa tuwing mapapanood natin siya sa new show niya na Basta Every Day Happy.

Pero umamin ang celebrity chef sa panayam ng GMANetwork.com na may kaba pa din daw siya sa tuwing haharap siya sa mga manunuod.

“Naku ako ay kinakabahan pa din at siyempre naman, hindi ko naman forte na maging talk show o maging host na ganito. Ang gusto ko lang talaga magluluto lang ako.” sabi ni Chef Boy.

“It is a good chance, na sana mapo-prove ko with the support of the televiewers, na gusto nila makita ako siyempre, kung 'di naman sila nanunuod sa akin walang kuwenta 'yung gagawin ko. Pero, I am sure gagawin ko lahat para masisiyahan silang lahat sa gagawin kong show na ito,”.

Talks show variety ang concept ng Basta Every Day Happy, pero 'di dapat mag-alala ang mga fans ni Chef Boy dahil may mga lutuan pa rin magaganap at pakakaabangan ang mga bagong putahe na magpapatakam sa inyong mga sikmura araw-araw.

Pangako ni Chef makikita natin daw siya dito na kumanta, humataw sa dance floor at tutumbling dahil lahat daw 'yan ay gagawin ni chef para sa mga manunuod ng Basta Every Day Happy.

Bago pa man natapos ang aming interview, hiningan namin siya ng tips para sa aspiring chefs. “Of course hardwork, dedication, kailangan lang talaga love na love mo 'yung gagawin mo”.

“If you want to become a chef dapat patient ka, palaging magpakumbaba. Dahil ang kusinero po laging pagod, mahirap ang trabaho pero nandun ang biyaya nandun 'yung sarap”. saad ng Basta Every Day Happy host.

For the latest updates and happenings about your favorite Kapuso celebrities, log on to www.gmanetwork.com.

- Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada