Celebrity Life

Jennylyn Mercado, hindi apektado sa pagpapakasal ni Patrick Garcia


Kontrobersyal man ang kanilang naging paghihiwalay, masaya si Jennylyn Mercado para sa pinaplanong kasal ng ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia sa nobyang si Nikka Martinez.

“I’m happy for him and finally nakakita na rin siya ng taong makakasama niya forever… Happy naman ako for them,” sabi ni Jen.

Nang siya’y kamustahin sa pakikitungo nila ni Patrick sa isa’t-isa, ipinaliwanag ni Jen na okay naman silang dalawa.

“Okay naman. Civil. As in okay,” aniya. “Importante naman kasi meron kang peace of mind. Walang magkakagalit, hindi nag-aaway. 'Yun ang importante.”

Tila break muna sa relationships ang Rhodora X star ngayon. Ano ba ang hinahanap niya sa isang partner?

“Importante lang siguro 'yung mamahalin ako kung sino ako, especially 'yung anak ako… Single mom ako and kung mamahalin ako, kailangan mahalin din 'yung bata. Package na ‘yun. (Saka yung) hindi ako lolokohin, mamahalin ako ng buong buo,” pahayag ni Jen.

Sinabi ni Mark na hindi pa love life ang kanyang priority ngayon pero bukas siya sa posibilidad na maging sila ulit. Ano naman ang tingin ni Jen?

“Parati ko sinasabi sa lahat na grabe 'yung friendship namin. 'Yung friendship namin ten years na,” kuwento niya.

Sa tingin ni Jen, mahirap pumasok sa isang relationship dahil puwedeng hindi maging maganda ang kahinatnan nito.

“Siguro ‘pag naging kami ulit, hindi mo masasabi eh kung ano mangyayari diba? Kung mag-be-break kayo, hindi mo alam kung maganda 'yung breakup niyo. Yung friendship namin (ni Mark), forever. So ayaw kong masira yung friendship na 'yun,” dagdag ni Jen.

Panoorin ang huling linggo ng soap na nagpatatag sa relasyon nina Mark at Jennylyn on at off cam, ang Rhodora X, pagkatapos ng Kambal Sirena.

-- Text by Meryl Ligunas, GMANetwork.com; Interview by StarTalk TX