GMA Logo Shuvee Etrata Angela Alarcon Seb Pajarillo Sandro Muhlach
Celebrity Life

Sparkle Artists, tumulong sa coastal clean up sa Navotas City

By Kristian Eric Javier
Published September 9, 2023 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata Angela Alarcon Seb Pajarillo Sandro Muhlach


Ibinahagi ng Sparkle artists ang kanilang karanasan sa coastal clean up at nagbigay pa ng tips kung paano makatutulong sa kalikasan.

Dumalo at tumulong ang Sparkle artists na sina Shuvee Etrata, Angela Alarcon, Seb Pajarillo, at Sandro Muhlach sa coastal clean up sa Tanza Marine Tree Park sa Navotas City.

Ang coastal clean up ay isa sa mga activities ng Kapuso at Kasambuhay ng Kalikasan. Sa pakikipagtulungan sa Nestlé, ito ay bahagi rin ng International Coastal Clean Up events ng GMA at ng Sparkle.

Sa interview ng GMANetwork, nabanggit nina Shuvee at Angela na hindi na bago sa kanila ang pagsama sa clean up drives na tulad nito. Ayon kay Angela, na-miss niya ang ganitong mga activity na sinimulan niya noong nasa kolehiyo pa lang siya.

“Back in college, I used to do this a lot. Parang I'm given an opportunity to do it again. Sobrang happy ako,” sabi nito.

Sanay na sanay naman si Shuvee sa mga coastal clean up dahil siya mismo ay mayroong organization sa Bantayan Island sa Cebu kung saan ginagawa nila ang ganitong activity quarterly.

“I'm very excited, very happy, grateful to have been chosen as one of the Sparkle artists who joins both GMA and Nestlé event for coastal cleanup,” sabi nito.

BALIKAN ANG NAUNANG COASTAL CLEANUP NG SPARKLE ARTISTS DITO:

Samantala, first time ng Sparkle artists na sina Seb at Sandro na sumali sa mga ganitong advocacy program. Gayunman, inihayag ng dalawa kung gaano sila kasaya na mabigyan ng pagkakataon makatulong sa kalikasan.

Ayon kay Seb, “happing-happy naman ako with Sparkle na binibigyan kami ng ganitong types of opportunity to empower our society, our environment.”

Dagdag nito, “I'm very happy to be in Sparkle and mas nakikita ko pa na mas lumalawak pa 'yung opportunities.”

Ibinahagi rin ni Seb na na-uplift ang pakiramdam niya sa at nakaka-enlighten ang mag-vounteer sa ganitong mga proyekto dahil alam niyang nakakatulong siya sa kalikasan.

Nagpapasalamat din si Sandro sa oportunidad na ibinigay sa kanya na makatulong sa ganitong mga proyekto.

Ayon pa sa aktor, “Nakaka-fulfill siya sa feelings ko kasi 'yun nga, it's my first time and parang more on nakakatulong na nga ako, nagugustuhan ko pa 'yung ginagawa ko.”

Nang tanungin naman ang mga Sparkle artists kung paano nila mahihikayat ang mga Kapuso at mga kabataan na tumulong, isa ang sinasabi nila, na nagsisimula ito sa sarili, kahit gaano pa ito kaliit.

Para kay Seb, ang simpleng pagtapon lang ng mga basura sa dapat nitong kalagyan ay malaking bagay na para makatulong sa kalikasan.

Dagdag pa ng aktor, “'Yung mga plastic na tinatapon natin, hindi lang po siya sa basurahan kasi pwede po natin yang gawing reuse, reduce, recycle.”

Ganun din ang sinabi ni Sandro at idinagdag pa nito na ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang lagayan ay paraan na rin ng mga Kapuso at kabataan na ipaglaban ang adbokasiya ng GMA at Nestlé para sa kalikasan.

Sa huli, ipinaalala nina Shuvee at Angela na ang pagbabago ay magsisimula sa sarili para makatulong sa kalikasan.

“Just by little changes, reuse, reduce recycle, even sa loob ng bahay mo, that little thing is better than not doing anything at all,” sabi ni Shuvee.

Dagdag naman ni Angela, “Even as little as seeing trash outside your house. everywhere you go, just a small little thing can make a big difference.”