Celebrity Life

Bela Padilla on being a doctor and working with Dennis Trillo


Natutuwa ang Kapuso actress na si Bela Padilla sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang bagong project na 'Sa Puso ni Dok'. Dito, makakatambal niya ang aktor na si Dennis Trillo.

Kuwento ni Bela, “bago siya, it's the first medical show of GMA kaya very exciting. Actually, kakabasa ko palang ng script, maganda siya”.

Hindi umano first time ni Bela na makatrabaho si Dennis. Ngunit exciting ang kanilang tambalan sa proyektong ito.

“Parehas kami ni Dennis na doktor. Tapos 'yung role ko very serious, very formal na doctor. Si Dennis naman, unorthodox 'yung way niya, 'yung mga medical ways niya. So mag-clash kami. Pero cute 'yung love story nila. Very very light lang”.

Maganda umano ang Sa Puso ni Dok dahil maraming matututunan ang mga manonood rito. Isa itong sa mga susunod sa yapak ng Bayan Ko at Titser na mula rin sa GMA News TV.

“Tungkol siya sa public hospitals or government hospitals so alam natin 'yung reality. Kasi tayo 'yung privileged ng kaunti. ‘Di natin nasusubukan ‘yung ma-admit sa ganyang klase ng mga hospital. At least maging aware tayo,” saad ni Bela.

Dagdag niya, “I think it's really more of social awareness kung gaano sila kakulang sa budget 'yung mga ganyan. So it's a nice eye opener again. From what I heard from the team namin, this is the biggest show of News TV for the year. So abangan natin”.

Abangan si Bela Padilla sa nalalapit na pagsisimula ng ‘Sa Puso ni Dok’ sa GMA News TV.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com