Celebrity Life

Kristoffer Martin, na-miss ang pagiging varsity ng swimming

By Kristian Eric Javier

Aminado ang Kapuso actor at singer na si Kristoffer Martin na na-miss niya ang pagiging dating varsity ng swimming. Kaya naman ay nag-compete siya kamakailan sa isang swim meet at nanalo pa ng ilang mga medalya.

Noong nakaraang linggo ay nag-post si Kristoffer ng picture sa kanyang Instagram page na hawak ang ilang mga medalya. Sa caption ng post, ibinahagi niyang nakakuha siya ng pitong medalya mula sa pitong events.

“Thanks you @ateneofast for this. Naexperience ko ulit lumaro sa isang swim meet. Last ko is nung high school pa ko,” caption nito sa kanyang post.

Dagdag pa nito, “Thank you sa asawa ko and Prè and ate Zai for always being there sa mga races ko.”

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITY ATHLETES AT ANG KANILANG SPORTS SA GALLERY NA ITO:

Sa interview ni Kristoffer sa GMA Regional morning show na Live! Ikinuwento ni Kristoffer na elementary at high school pa lang ay varsity na siya ng swimming sa kanyang mga eskuwelahan.

“Tapos naputol na lang, nag-college, tapos pumasok na po sa showbiz industry so hindi ko na siya na-pursue. Tapos ngayon na lang uli nakakahiligan, kung kailan tumanda, doon ko binalikan 'yung mga sports,” kuwento nito.

Ibinahagi rin ng actor-singer na suportado naman siya ng kanyang asawang si AC Banzon. Pag-alala niya sa sinabi nito, “Good 'yan kasi kahit papaano, may exercise ka pa rin tsaka 'yan na talaga 'yung passion mo nung bata ka pa.”

Bukod sa swimming ay nag-compete at nanalo rin siya bilang 5th placer sa nagdaang IronMan 70.3 triathlon race na ginanap sa Subic Bay noong June 11.

Ngayon, bukod sa sports ay naghahanda na rin si Kristoffer para sa kanilang upcoming Afternoon Prime series na Makiling. Dito, makakasama niya sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Myrtle Sarrosa, at Thea Tolentino.

Panoorin ang buong interview ni Kristoffer dito: