Celebrity Life

Luis Alandy, balak ligawan si Jennylyn Mercado?

Hindi kaila sa marami na crush ni Kapuso actor Luis Alandy ang Kapuso hot momma na si Jennylyn Mercado.

“When they asked me about kung sino ang crush ko sa showbiz, siya nga (Jennylyn)” pag-amin ng aktor. 

Sa kanyang pag-amin, tinanong namin kung gusto ba niyang makasama ang kanyang crush sa isang production number sa Sunday All Stars dahil pareho naman silang kumakanta. 

“Nakakatuwa makasam si Jen sa isang prod[uction]. It would be nice. Something I would wish for,” nakangiti niyang sinabi.

Dahil sa kanyang nakakakilig na sagot, itinanong na namin ng diretso kay Luis kung may balak nga ba siyang ligawan si Jennylyn?

“Ngayon, 'di ko pa masasagot. If given a chance, why not. Pero as of now, I’m thinking about work. Anything personal is after work,” sabi ng Innamorata actor.

Dagdag pa niya, “Enjoy lang naman, ‘di mo pinaplano ang mga bagay na iyan.”

Panoorin ang Kapuso actor na si Luis Alandy sa Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa updates, bisitahin lagi ang www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.