Isa nang living legend ang “mababatok” o tattoo artist na si Whang-od. Ipinanganak siya noong February 17,1917 at siya ang pinakamatanda na Kalinga tattoo artist na nabubuhay ngayon.
Marami na ring natanggap na parangal si Whang-od. Noong 2018, inanunsyo ng National Commission for Culture and the Arts na bibigyan nila ng parangal si Whang-od, ang Dangal ng Haraya Award ay personal na inihatid sa Kalinga para kay Whang-od.
Kaya naman dinarayo ng mga tao pati na rin ng mga artista si Whang-od. Tingnan ang tattoo designs sa mga artista na ginawa ni Whang-od.
Dalawang beses nang nakapagpa-tattoo ang Kapuso actress na si Rhian Ramos kay Apo Whang-Od. Kuwento ni Rhian sa kaniyang Instagram, “Round 2: The beginnings of my new (and hopefully, last) tattoo, designed by me, drawn by Grace and tapped in by Apo Whang Od, right above my last two tatts from them, the scorpion and hawk. Their energies are so open and giving. I'm just so grateful they agreed to this request. A little old, a little new.”
Nagpa-tattoo ang 'Eat Bulaga' host ng bumisita sa Mt. Province para sa 'Eat Bulaga Lenten Special.'
Nakumbinsi ni Ice na magpa-tattoo na rin ang asawa niyang si Liza Diño
Kuwento ni Drew sa Instagram, “Sssshhhh... Don't tell my mom I got a tattoo done by the famous 90yr-old Whang-ud, the last remaining "Mambabatok" of Buscalan, Kalinga Province. 10mins of PAIN, a lifetime worth of remembering another adventure. Can't wait to tell my grandkids. #biyahenidrew#kalinga.”
Ang dating 'Eat Bulaga!' host na si Patricia TUmulak ay tumungo rin ng Mt. Province para sa tattoo ala Whang-Od
Nagkaroon din ng tattoo mula kay Whang-Od si Raymart na todo supporta sa pag bigay ng National Artist title ng National Commission for Culture and the Arts kay Whang-Od.
Noong 101st birthday ni Whang-Od nagpalagay ng tattoo si Kuya Kim Atienza.
Nagpa-tattoo ang "Eat Bulaga" host na si Maine Mendoza nang bumisita sila ni Paolo Ballesteros sa Kalinga Province para sa Lenten Special ng noontime show.
Kasama ni Liza Diño and partner na si Ice Seguerra sa pagpapa-tattoo kay Whang-od noong 2017.
Naghayag din ng papuri ang Canadian actress na si Evangeline Lilly kay Whang-od. Sa kanyang Instagram, nag-post ang aktres ng litrato ni Whang Od. Kuwento rin ni Evangeline, tumatak sa kanya ang Pilipinas matapos bumisita sa Palawan noong siya'y 18 anyos pa lamang.
Noong 2016, binigyang kulay nina Janine Gutierrez at Rocco Nacino ang istorya ng buhay ni Whang-od.
Nagsalita ang isang apo ni Whang-od tungkol sa mga lumalabas na balita tungkol sa Whang -Od Academy, at ibinahagi na wala itong kinalaman sa kanyang lola.
Patuloy na nagbibigay ng parangal sa kulturang Pilipino si Apo Whang-od.
Proud na proud naman ang celebrity couple na sina Sheryn Regis sa kanilang matching nape tattoos na gawa ni Apo Whang-Od. Naka-dokumento rin and kanilang experience sa pag-akyat sa kabundukan ng Kalinga sa YouTube vlog ni Mel.
Abot Kamay na Pangarap star Allen Dizon finally ticked off another goal from his bucket list when he got tattooed by Apo Whang-od. He was tattoed with the iconic three-dot design which signifies three generations of mambabatok -- Apo Whang-od, Grace, and Elyang, who is her second protégé. The design might also be interpreted as ellipses symbolizing “open-endedness and a continuation that extends beyond its origins.”