Celebrity Life

Ryan Agoncillo, suportado ni Juday sa bago nitong project

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Magbabalik sitcom na si Dabarkads Ryan Agoncillo sa bago niyang show na Ismol Family na malapit na mapanood dito sa GMA-7.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso host namiss daw nito ang umarte at masaya siya na nabigyan siya ng project bukod sa paghohost, “Alam mo kasi araw-araw ang trabaho ko, six days a week, twice on Saturday is hosting. Of course, this is a welcome relief.

“I’ve had a lot of opportunities to act na rin and its never boring for me. For my audience also, it's very fun to be doing something new and huli akong gumawa ng sitcom was in in the other network pa with my wife Judy Anne, so it’s been a long time.” dagdag ni Ryan.

Todo din ang suporta ng maybahay ni Ryan na si Judy Anne Santos sa sunod-sunod na projects nito sa Kapuso Network . Sabi ni Judy Anne “Happy ako of course for him. Haping-happy ako na ang dami niya talagang projects for this year and natutuwa ako that GMA is trusting him with so many projects nakakatuwa.”

Maganda din daw na may show ang kanyang asawa na sitcom dahil magaling na komedyante daw ito, “Kasi it’s about time na bumalik uli siya sa pag-arte pero its been ilang years na naghohost si Ryan and mahusay naman ‘tong magpatawa hindi lang nakikita. Pero komedyante 'yan eh,”

Ryan will play Ed Ismol isang responsableng ama at maaasahang kaibigan na magiging ‘househusband’ dahil ang kanyang asawa na si Majay played by the talented Carla Abellana ay aalis papuntang ibang bansa para magtrabaho bilang Overseas Filipino Worker sa Dubai.

Siguradong pakakaabangan ng mga televiewers ang Ismol Family dahil makikita nila ang ibang side ng My Husband’s Lover star na si Carla na nagpapatawa sa halip na nagpapaiyak.

Wala din daw problema kay Juday na makapareha ni Ryan ang Kapuso actress.

“It doesn’t mean na kapag mag-asawa na kayo kami lang lagi 'yung nakikita. Puwede siyang makipagpartner sa iba, puwede rin ako makipagpartner sa iba”

Hindi naman maitago ni Ryan ang kanyang excitement na makatrabaho si Carla. Matatandaang hindi ito ang una nilang pagsasama sa telebisyon. Pero ayon sa aktor nabitin siya sa mga eksena nila sa My Husband's Lover. 

“So now, I have this opportunity to do a sitcom in GMA and to work with Carla, whom I’ve work with pero ano lang 'yun eh dalawang eksena lang 'yun eh. Nag-cameo lang ako sa napakaganda teleserye na My Husband’s Lover. So it's our first time to really work together,” saad ni Ryan.

“I look forward to doing a sitcom with Carla kasi iba rin 'yung nadadala niya sa set.”

Abangan mga Kapuso ang Ismol Family malapit na sa GMA.