Busy man sa kani-kanilang daily schedules sa taping, hindi pinalampas ng celebrities na ito na makapagtapos sa kolehiyo ng mayroong Latin honors.
Nangunguna sa listahan si GMA Network Excellent Ambassador Benjamin Alves na grumaduate ng Summa Cum Laude mula sa University of Guam na may kursong English Literature sa loob lamang ng dalawa't kalahating taon.
Kilalanin pa ang ilang celebrities na nagtapos with top honors sa gallery na ito:
Jestoni Alarcon's daughter is both beauty and brains. The 'Beautiful Justice' actress graduated cum laude from the University of the Philippines Diliman with a degree in Speech Communication.
Nagtapos si Yasmien Kurdi as magna cum laude sa kursong Political Science sa Arellano University.
Si GMA Network Excellence Award Ambassador Benjamin Alves ay nakapagtapos sa kursong English Literature sa University of Guam at nakuha niya ang honor na summa cum laude.
Nagtapos si Carla Abellana as cum laude sa De La Salle University sa kursong Psychology. Ayon sa kanyang yearbook, isang consistent Dean's Lister din ang aktres.
Nagtapos ang Kapuso young actor bilang magna cum laude sa kursong Business Administration sa Our Lady of Fatima University. Bukod dito, nakuha rin niya ang parangal na Best in Marketing Research at Academic Excellence Awards sa kaniyang pagtatapos.
Makwela man, nagtapos ang comedienne na si Giselle Sanchez as magna cum laude sa University of the Philippines sa kursong Broadcast Communications.
Bago pa niya ni-represent ang Pilipinas sa Miss Universe stage, nagtapos ang former beauty queen as magna cum laude sa kursong Architecture sa University of the Philippines Diliman. Pinarangalan din siya bilang top board examiner sa Philippine Licensure Exam noong 2010.
Nagtapos ang former actress bilang magna cum laude sa kursong Philosophy with minor in Tourism sa University of the Philippines Diliman. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral, nagtayo na si Paula ng kanyang travel agency na "Our Restless Feet."
Ang actress, host, at cosplayer ay nagtapos as cum laude sa University of the Philippines Diliman.
Nagtapos si Venus Raj bilang cum laude sa kursong Communication Arts sa Bicol University sa Legazpi City. Noong 2017, nagtapos ang former beauty queen ng kanyang masteral degree sa UP Diliman.
Noong 2006, nagtapos ang former Miss International 1979 Melanie Marquez as cum laude sa kursong Business Administration mula sa International Academy of Management and Economics (IAME).
Nagtapos ang former Bb. Pilipinas Universe 2007 as summa cum laude sa UP Diliman sa kursong Broadcast Communication. At noong 2009, nagtapos rin siya bilang salutatorian sa UP College of Law at pumasa sa Philippine Bar Examinations.
Kilala si Chris Tiu bilang isa sa magagaling na basketball players sa UAAP. Noong 2008, nagtapos siya bilang cum laude at naging kampeon ang Ateneo Blue Eagles sa UAAP.
Nagtapos si Agot Isidro as magna cum laude sa New York Fashion Institute of Technology sa kursong Fashion Buying and Merchandising.
Nagtapos ang former “Darna” star as summa cum laude sa Babson College sa Boston kung saan kinuha niya ang kursong Finance and Entrepreneurship.
Nagtapos si Chinchin bilang cum laude sa Miriam College kung saan kinuha niya ang kursong Mass Communication
Kinuha ni Bernadette ang kursong BS Psychology sa De La Salle University kung saan pinarangalan siya bilang cum laude.
Beauty and brains si Kapuso news anchor Rhea Santos na nakapagtapos sa St. Paul University Quezon City as magna cum laude sa kursong AB Mass Communications.
Nakapagtapos as cum laude si Kapuso anchor Mariz Umali sa University of the Philippines Diliman. Nagtapos siya sa kursong Broadcast Communications.
Nakuha ni Rocco Nacino ang kanyang Master of Arts in Nursing degree mula sa St. Bernadette of Lourdes College sa Quezon City kung saan siya nagtapos bilang cum laude noong 2017.
Bukod sa pagiging piloto, may degree din si Kevin Santos mula sa Arellano University. Grumaduate siyang cum laude sa kursong Political Science ngayong 2020.
Matapos ang anim na taon, grumaduate ng cum laude ang Asia's Golden Girl na si Gerphil Flores sa University of the Philippines. Double degree ang kinuha ni Gerphil, ang Diploma in Creative Performing Musical Arts at Bachelor of Music.
The Kapuso celebrity dubbed as “Conyo Girl” is a cum laude graduate from the University of the Philippines (UP) in Diliman with a Bachelor of Arts degree in Broadcast Communication.
Netizens know Rain as the TikTok star who does comedic and hilarious skits.
Hindi lang good looks ang mayroon ang former Pinoy Big Brother housemate na si Lance Carr. Nag-excel din ang binata sa school at nakapagtapos ng cum laude sa Ateneo de Davao University.
Kumuha siya ng kurso na Bachelor of Arts in Communication.
Lubos ang paghanga ng fans ng dating singer na si Carol Banawa, o Claire Crisostomo sa totoong buhay, nang nakapagtapos ito ng summa cum laude sa Northern Virginia Community College noong 2018.
Isa sa mga nakapagtapos ng kolehiyo nitong 2023 ang TV host at dancer na si Jhong Hilario. Tinapos ni Jhong ang kursong Political Science sa Arellano University at pinarangalan bilang magna cum laude.
Nasa kaniyang 3rd term si Jhong bilang city councilor sa Makati City.