Celebrity Life

Roadfill sparks in photography

By AL KENDRICK NOGUERA

Aside from acting and creating YouTube lip-synched videos, mayroon pang hidden talent si Roadfill na hindi alam ng karamihan. Ayon kay sa kanya, kapag wala siyang taping ay pinagtutuunan niya ng pansin ang photography.

Kuwento ni Roadfill sa GMANetwork.com, wala siyang pormal na pag-aaral sa photography lalo sa paraan ng pag-iilaw. “Hindi ako actually aral kaya kaunti pa 'yung nalalaman ko. Pero usually kinakunan ko ['yung] nasa labas, using natural light,” aniya.

Dagdag pa niya, “Mahilig akong tumingin sa internet ng photography pictures. 'Yon 'yung ginagawa kong peg. Hindi naman sa panggagaya pero 'yon 'yung inspirasyon ko eh,”

Hindi kung sino-sino lamang ang nagiging subjects ni Roadfill dahil mga artista ang pumapayag na mag-pose para sa kanya. Kuwento niya, “Masuwerte [ako] dahil narito ako sa industriya, kaya nagiging model ko [ay] mga artista rin.”

Maraming Kapuso artists na ang na-shoot na ni Roadfill. Kabilang dito ang kanyang co-stars sa Bubble Gang na sina Rufa Mae Quinto, Gwen Zamora, Jackie Rice, at marami pang iba. Pinahintulutan ni Roadfill ang GMANetwork.com na mag-post ng kanyang photograph samples na kinuha namin sa kanyang official Facebook account na Roadfill Sparks.

PHOTOS FROM ROADFILL SPARKS' OFFICIAL FACEBOOK PAGE

Ayon kay Roadfill, madalas ay on the spot niya lamang kinukuhanan ng litrato ang Kapuso artists. Iilan lang daw sa photographs niya ang talagang naka-setup tulad ng litratong ito ni Rufa Mae.



PHOTOS FROM ROADFILL SPARKS' OFFICIAL FACEBOOK PAGE

Pumapayag naman daw ang mga artistang sinu-shoot niya na i-upload ang mga litrato sa internet. Pero ang kinaiinis ni Roadfill, mayroon daw mga kumukuha ng photographs niya nang walang paalam at tinatanggal pa ang watermark na inilalagay niya.

“Nakakainis eh. Ipo-post nila nang walang credits tapos tatanggalin pa 'yung pangalan ko. 'Di ba nakakabastos? Puwede namang i-post nila, libre naman 'yon,” pahayag niya.

Sino ba ang pangarap i-shoot ni Roadfill na Kapuso artist? “Dream ko ngayon siyempre si Marian Rivera at 'yung mga hindi ko pa nakukunan,” sagot niya.

Bago matapos ang aming interview, sinabi ni Roadfill na hindi raw apelyido ng screen name niya ang Sparks. Ang ibig sabihin daw ng Sparks sa kanyang official Facebook account ay flash ng camera. Paliwanag niya, “Gusto ko kasing screen name ay Roadfill lang. Ayoko ng may apelyido. Parang kay Panchito, Babalu, at Dolphy.”

Catch more of Roadfill in Overtime, the newest offering of GMA Films, this coming July in theaters nationwide