Celebrity Life

Who will be crowned the 'sexiest woman' this 2014?

By ANN CHARMAINE AQUINO



Sa Unang Hirit ibinalita na nagtapos na ang botohan para sa sexiest woman in the Philippines para sa isang men's magazine. Kaya't inaabangan ng lahat kung kanino ibibigay ang korona para sa taong 2014.

Kasali sa listahan ang mga Kapuso actress na sina Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, Sam Pinto, Lovi Poe, at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Hindi pa man inilalabas ang resulta ng botohan sinasabing matunog na ang pangalan ni Marian sa top spot.

Sa huling update umano ng FHM, nangunguna ang pangalan ni Marian. Kung makuha ng Kapuso Primetime Queen ang sexiest Pinay title, ito na ang kanyang ikatlong pagkakapanalo.

Naging covergirl na si Marian sa nasabing magazine, ngunit ang tumatak sa lahat ay ang kanyang latest cover para sa 14th anniversary issue. Dito ipinakita ang fearless at daring look ng Primetime Queen.

Sa latest update rin makikita na nasa ikalawang spot naman si Sam Pinto na two-time title holder para sa men's magazine. Kasama rin ang Rhodora X actress at hot mom na si Jennylyn Mercado. Strong contender rin si Solenn Heussaff dahil hindi siya nalalayo sa listahan.