Celebrity Life

John Arcilla at Tim Yap, ipinagtanggol si JM De Guzman sa body shamers

By Aedrianne Acar

Maraming nakapansin na ipinost ng TV-movie actor na si JM De Guzman sa kanyang Instagram page ang body shaming comments na kanyang natanggap online.

Sa caption niya sa post nitong October 20, “masakit kayo magsalita.” Kasunod nito ang isang smiling emoji.

Makikita sa comment section ng kanyang Instagram na ipinagtanggol siya ng ilang showbiz personalities. Isa na rito ang former Encantadia star na si John Arcilla.

Komento ng award-winning actor, “Whew. Ibang klase. How can people be so mean. Kala nila nasa sarili lang nila silang mga kwarto at nakikipagkwentuhan sa mga barkada nila habang namumulutan ng ibang tao. These people are not happy people thats for sure.”

Pinayuhan naman ng eventologist na si Tim Yap na huwag na raw ito pansinin ni JM.

“You are such an amazing actor. Your mastery of craft is what matters. Learn to ignore.”

Noong 2018, nakatrabaho ni JM ang Royal Blood actress na si Rhian Ramos sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAKATANGGAP NG BODY-SHAMING COMMENTS: