Celebrity Life

Bea Alonzo, Andrea Torres reveal their work-related pet peeves

By Maine Aquino

Isang nakakatuwang tell-all vlog ang pinagsamahan nina Bea Alonzo at Andrea Torres.

Sa vlog ni Bea, nakasama niya si Andrea sa A-Z challenge kung saan magbabahagi sila ng mga kuwento base sa napiling salita sa bawat letra.

PHOTO SOURCE: @andreaetorres

Isa sa mga pinag-usapan ng Love Before Sunrise stars ang kanilang pet peeves.

Umamin si Andrea na work-related pet peeve niya ay ang pagiging late.

"Ako, late. Kasi lagi akong on time. Punctual akong tao. It's either 30 to 15 minutes ganyan, nandoon na ako," paliwanag niya.

RELATED GALLERY: The many characters of Andrea Torres

Dugtong pa ni Andrea, "Naaano ako kapag ako 'yung nali-late, or kapag may ibang nali-late, parang mas malayo ako, bakit nakarating ako dito on time? Gumising ako kahit puyat."

Si Bea naman ay umamin na ang pet peeve niya sa trabaho ay ang mga hindi nagkakabisado ng linya.

Saad ng aktres, "Ang pinakamalaking pet peeve ko, hindi kabisado 'yung lines."

Ayon kay Bea, alam niya kapag ang kasamahan sa trabaho ay hindi nag-aral ng script.

"Sobrang naiintindihan ko kapag halimbawa hindi lang talaga mabilis magmemorya, gets ko 'yun e. Pero alam ko kapag hindi inaral. Doon ako nao-offend, kapag hindi pinag-aralan 'yung script. Tapos mayroon isang buong chunk na hindi kabisado."

RELATED GALLERY: Bea Alonzo and her most captivating portraits

Saad pa ni Bea, offensive ito sa mga kasamahan sa trabaho.

"For me, I find it offensive. Hindi lang sa akin, pati sa writers, sa directors, sa lahat ng bumubuo. Feeling ko 'pag wala kang care, bakit ka nandito?"

Panoorin ang iba pang mga kuwento ng mga Love Before Sunrise stars na sina Bea at Andrea dito.

Patuloy na subaybayan sina Bea Alonzo at Andrea Torres sa Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad at Pinoy Hits.