GMA Logo Pokwang
Courtesy: itspokwang27 (IG)
Celebrity Life

Pokwang, nakaranas nga ba ng pang-aabuso noon?

By EJ Chua
Published November 24, 2023 6:34 PM PHT
Updated November 25, 2023 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Ilang naging mapait na karanasan ni Pokwang noon ang ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang vlog.

Bukod sa pagiging host at comedienne, isa ring celebrity mom si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang.

Sa isa sa kanyang vlogs sa YouTube, mapapanood na kamakailan lang ay naka-bonding niya ang kanyang anak na si Mae Subong.

Sa naturang vlog, maraming ikinuwento si Pokwang hindi lang sa kanilang subscribers kundi pati na rin sa kanyang anak.

Kabilang sa ibinahagi niya ay ang ilang mapait na karanasan niya noon.

Naging emosyonal si Pokwang nang balikan at alalahanin niya ang isang pangyayari na labis na tumatak sa kanya.

Pahayag niya, “Isa sa mga red flag, binuhusan niya ako ng tubig habang nakahiga ako sa kama…Nag-away kami kasi nag la-like siya sa picture nung mga babae na halos nakahubad na. Sa akin, bilang partner, nakakabastos naman.

Kuwento ng TiktoClock host, nagdadalang-tao pa siya nang mangyari iyon.

Sabi niya, “I was six months pregnant, sensitive 'yung kalagayan ko… Nag-away kami, pinagmumura niya ako and then binasa niya ako ng tubig, basang-basa 'yung kama. Naglayas ako.”

Dagdag pa niya, “Nung umaga nag-away kami… because of that… Akala ko tapos na, nung hapon nagna-nap time ako nakahiga ako sa kama binuhusan niya talaga ako ng tubig. Umalis ako for three days hindi niya ako hinanap…”

Bukod pa rito, ibinahagi ng host-comedienne kung ano ang ilang natutunan niya sa mga pinagdaanan niya sa buhay noon.

Samantala, sa isang panayam, inamin ni Pokwang kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang ex-partner na si Lee O'Brian.