GMA Logo pokwang on fast talk with boy abunda
What's on TV

Pokwang, inamin ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Lee O'Brian

By EJ Chua
Published February 3, 2023 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang on fast talk with boy abunda


Ipinaliwanag ni Pokwang kung bakit niya nagawang magsinungaling noon tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating partner na si Lee O'Brian! Alamin ang detalye sa episode na ito ng 'Fast Talk With Boy Abunda'

Sinagot ni Pokwang ang maiinit na tanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, February 3.

Kabilang sa sinagot ni Pokwang ay kung bakit nagsinungaling siya noon tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ayon sa Tiktoclock host, “Alam naman po ng lahat na we have a negosyo... Pero hindi lang 'yun, marami, marami akong kinimkim na. Dumating nga sa pagkakataon na, sa negosyo namin… as partners, as boyfriend girlfriend, as father and mother of Malia, we're partners, 'di ba, dapat nagtutulungan. 'Yung negosyo kasing 'yun, hindi mag-uumpisa kung hindi ako naglabas ng pera. In all fairness to him, pinush niya, dapat ganito, dapat ganiyan, so okay, maganda 'yung takbo.

"Then, dumating 'yung panahon na may questions na ako, I'm not saying na hindi siya mapagkakatiwalaan, karapatan ko kasi na bilang partner mo sa negosyo, 'Ano na tayo? Nasaan na po tayo? Ano na 'yung nangyayari?' Nagpapa-update ako sa kaniya, which is feeling ko karapatan ko 'yun, 'di ba? Parang ang dating sa kaniya agad, hindi niya nagustuhan… Parang ang dating sa kaniya, hinuhusgahan ko na siya agad. Parang tinanggalan niya ko ng karapatan na malaman.”

Maluha-luha pang sinabi ni Pokwang, “Sa ating mga artista, hindi naman tayo laging may project, hindi tayo laging sikat, hindi tayo laging may spotlight. So, maganda 'yung nakaisip kami ng negosyo. Hindi niya nagustuhan noong nagtanong ako.”

Sa kabila ng nangyari sa kanila ng dating partner, inamin ni Pokwang, “Bilang isang ina, umaasa ko na maayos pa kami. Kahit na ang sakit-sakit na sa akin. Kailangan ko magsinungaling kasi umaasa ko, aayusin pa niya, magkakaayos pa kami. Oo, naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance, marami akong binigay na signal na, 'Please, ayusin mo naman 'to para kay Malia.' Mahal ko siya, sa totoo lang mahal ko siya, kaya ko... pagtakpan ko siya. Umasa ako na magkakabalikan pa kami.”

Matatandang matapos silang maghiwalay noong December 2021, pinagtakpan ni Pokwang si Lee O'Brian sa pamamagitan ng kaniyang mga naging unang pahayag tungkol sa nasabing isyu.

Kamakailan lang, iginiit ni Pokwang na hindi siya iniwan ng kaniyang ex-partner kundi pinalayas niya ito.

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime sa GMA-7. Mapapanood din ito simultaneously sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG ADORABLE PHOTOS NG ANAK NINA POKWANG AT LEE O'BRIAN NA SI MALIA SA GALLERY SA IBABA: