Celebrity Life

Carla Abellana and Geoff Eigenmann: Not on speaking terms

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Since their breakup, hindi pa raw nagkikita o nag-uusap si Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Ngunit ayon sa My Destiny leading lady, open naman siya kung makipag-communicate ang ex-boyfriend niya sa kanya.

Two months na ang nakalipas since umamin si Carla na hiwalay na sila ni Geoff na boyfriend niya for almost four years. 

According to Unang Hirit, since the breakup ay wala pa ring nangyaring communication between the former reel to real-life couple. “Hindi sa ngayon, hindi. Hindi talaga. Hindi kami speaking terms ngayon,” giit ng aktres.

Ganito pa man, papansinin naman daw ni Carla kung muling makipag-communicate ang ex-boyfriend niya.

Ayon sa report ni Luanne Dy, babatiin naman daw ni Carla kung makita niya ang dating  boyfriend, at sasagot kung mag-text o tumawag man ito.

Kahit kagagaling lang ni Carla sa isang break up, mabilis na lini-link ito sa on-screen partner na si Tom Rodriguez na makakatambal niya muli sa My Destiny. Ipinaliwanag ng aktres na hindi sila couple ni Tom, ngunit ayaw niya magsalita ng tapos.

“We’ll see, 'di ba we’ll never know. That’s the thing about destiny, di mo alam kung nandiyan na sa tabi mo, or kumakatok na, or hindi pa... Dumo-doorbell minsan, puwede rin. That’s the thing about destiny, di natin mahuhulaan,” sabi nito.