advertisement
Celebrity Life

TRIVIA: Things you need to know about Pasig City Mayor Vico Sotto

1 of 15

Vic Sotto and Coney Reyes

Si Vico Sotto ay ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

2 of 15

Full name

Victor Ma. Regis Nubla Sotto or Vico was born on June 17, 1989.

3 of 15

Siblings

Si Vico ay malapit sa mga kapatid niyang sina Oyo Boy, Danica, Paulina, at Tali.

IN PHOTOS: The accomplished children of Vic Sotto

advertisement
4 of 15

Showbiz

Kahit na parehong nasa showbiz ang magulang ni Vico, mas pinili niya ang mundo ng politika.

5 of 15

Academics

Si Vico ay nakapagtapos ng B.S. Political Science sa Ateneo de Manila University with master's degree in Public Management.

6 of 15

Life after graduation

Nang makapagtapos si Vico ay nagtrabaho siya sa Sangguniang Panglungsod ng Quezon City bilang legislative staff officer mula 2013hanggang 2015.

advertisement
7 of 15

Councilor

Taong 2016 nang nakakuha ng highest number of votes si Vico sa pagtakbo bilang councilor ng Pasig City.

8 of 15

Elections

Nitong May 2019 elections, nanalo si Vico bilang mayor ng Pasig. Nakakuha si Vico ng 209,370 votes at si incumbent Mayor Robert "Bobby" Eusebio ay nakakuha ng 121,556 votes.

9 of 15

Challenge

Dahil 29 years old pa lamang si Vico, ikinuwento niya sa GMA News na ang kanyang edad ang magsisilbing challenge para sa kanyang pamumuno. "I think it's a challenge kasi siyempre may mga iba na kapag nakitang bata baka isipin kayang-kaya ka, kaya kang diktahan. Pero 'pag nakatrabaho naman na nila ako makikita rin nila na alam ko ang ginagawa ko. So it's a challenge but it's not an insurmountable challenge."

advertisement
10 of 15

Bachelor

Kinikilala na ngayon bilang most eligible bachelor ng Pasig si Vico. Ngunit para sa mayor-elect, ang priority niya ngayon ay ang pagseserbisyo sa publiko. "Wala. Wala talagang time [sa love life]. 'Pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog at magpahinga na lang."

11 of 15

Advice

Ibinahagi naman ni Vico ang mga payo sa kanya nina Vic at Coney sa kanyang tatahaking landas bilang mayor ng Pasig.

Saad ni Vico, "Huwag kalimutan ang Diyos, laging magdarasal, 'yun ang payo sa akin ni Mama. Always have faith. Ang tatay ko naman ang payo niya sa akin ay lagi kang makikinig sa nanay mo."

12 of 15

Gretchen Ho

Nalilink si Mayor Vico sa Kapamilya TV host Gretchen Ho, matapos mag-viral ang kanilang photo habang nanood ng isang Southeast Asian (SEA) Games volleyball match. Sa isang panayam naman, sinabi ni Bossing Vic Sotto na hindi siya kumbinsido na may namamagitan sa dalawa.

advertisement
13 of 15

Reform

Umani ng papuri si Vico Sotto sa ginawa nitong pag-aayos sa Pasig City government. Kamakailan lang naibalita na nagawang makatipid ng PhP150 million ng city government mula July hanggang November. Nagawa daw nila ito dahil sa strikto at tunay na pagpapatupad ng public bidding procedure

14 of 15

Coney's children

May dalawang kapatid sa ina si Mayor Vico. Si LA Mumar ay nakapagtapos ng Developmental Studies sa Ateneo de Manila University at ngayon ay isang motivational speaker. Namana din nito ang pagmamahal sa laro ng basketball mula sa kanyang ama na si PBA star Larry Mumar, dahil coach din ito. Ang ate naman ni Vico na si Carla Mumar ay CEO at founder ng organization na SCALE.

15 of 15

Alex Gonzaga

Bata pa lamang si Mayor Vico, hindi na niya nakikita na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang at pasukin ang showbiz. Sa panayam niya kay Alex Gonzaga sa vlog ng aktres, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit tumakbo siya sa pagka-mayor noong 2019. “Ito 'yung nakita kong opportunity na magpakilala ng mga pagbabago sa lungsod natin.”

advertisement