
Isa si Bea Alonzo sa celebrities na talaga namang sinusubaybayan ng mga manonood mula noon hanggang ngayon.
Bukod sa kanyang shows, inaabangan din ng viewers ang ilang detalye tungkol sa personal na buhay ni Bea.
Sa latest vlog ni Ivana Alawi sa YouTube, nakatanggap ng tanong ang Kapuso actress tungkol sa kung ilang taon siya unang na-in love.
Sagot ni Bea, “Ako 'yung love at first sight ko 13 ako.”
Bago pa ito, napagkwentuhan na nina Ivana at Bea ang engagement at future life ng huli kasama ang kanyang future husband na si Dominic Roque.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.1 million views ang naturang vlog nina Ivana at Bea.
Si Bea ay napapanood sa 2023 series na Love Before Sunrise.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.