Celebrity Life

Gabby Eigenmann says gays, not girls, run the world

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa opinyon ni Kapuso actor Gabby Eigenmann, hindi raw siya sang-ayon sa statement ng kantang Run The World ng sikat na American singer na si Beyonce Knowles.

“Sabi nga sa kanta ni Beyonce, who run the world, girls daw. Honestly it's no. It's gay people,” pahayag ng bida sa pinakabagong Afternoon Prime soap na Dading.

Ayon kay Gabby, habang tumatagal ay mas natatanggap na ng lipunan ang gay people. At dahil dito, mas nagkakaroon ng confidence ang mga ito para ipakita ang kanilang capabilities.

Kuwento niya, kung noon daw ay minamaliit ang mga bading, ngayon daw ay marami na sa kanila ang tinitingala ng mga tao. “I don't see them as salot or peste sa lipunan. They have been helping the world and the environment too,” ani Gabby.

Paliwanag ni Gabby, maraming gay people na raw ang malaki ang naging ambag sa lipunan lalo na pagdating sa fashion. Dagdag pa niya, “Sa showbiz pa nga lang marami na eh.”

Sa katunayan nga raw ay mismong manager at road manager niya ay kabilang sa mga tinitingala at nirerespeto niyang gay people.

Ani Gabby, bukod sa mga bading na nakapalibot sa kanya sa trabaho, marami rin daw siyang close friends na ganito. “Yes, marami. Marami rin akong kinuhang ninong na gay,” bahagi niya.

Bago matapos ang aming interview, ibinahagi ni Gabby kung bakit naging malapit siya sa mga bading. “They're very lovable. Madaling mahalin ang mga gay people.”