Celebrity Life

Marian Rivera at Dingdong Dantes, todo ang sweetness sa New York

By SAMANTHA PORTILLO
 
Nakakakilig pagmasdan ang Kapuso power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang magkita ang dalawa sa tinaguriang Big Apple.
 
Sobrang na-miss daw nila ang isa’t isa dahil nagkaroon sila ng magkaibang shows para sa mga Kapuso fans sa America.
 
Nagpakuha ng litrato ang dalawa sa sikat at sosyal na Waldorf Hotel Astoria. Nagpunta rin ang Primetime King at Primetime Queen sa restaurant kung saan nag-shoot sina John Cusack at Kate Beckinsale para sa romantic film na Serendipity.
 
Kapwa nag-post ng photos sa kani-kanilang Instagram accounts na @realmarian at @dongdantes ang lovely couple.
 
From @dongdantes:

 
From @therealmarian

 


Ayon sa ulat ng 24 Oras, naging mainit ang pagtanggap ng mga Kapuso abroad kay Dingdong. Nagpasaya siya ng mga fans sa Chicago.
 
Bukod sa pagperform, nagpakuha rin si Dong ng litrato kasama ng fans at pumirma rin ng autographs sa Kapuso Abroad magazines.