Celebrity Life

Jennylyn, dadalo sa kasal ni Patrick?

By CHERRY SUN 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

 
Walang problema kay Jennylyn Mercado na dumalo sa upcoming wedding ng kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia.
 
“Oo naman. Kung papadalhan ako ng imbitasyon, pupunta ako siguro kasama si Jazz,” full of confidence na sagot ni Jennylyn.
 
Payag din ang Kapuso actress na maging ring bearer ang kanilang anak na si Jazz para maging part din ito sa special day ng kanyang ama.
 
Ine-expect na ni Jennylyn na darating ang araw na magtatanong ang kanilang anak tungkol dito at makikilala ang kanyang half-sister. Ang half-sister ni Jazz ay ang daughter ni Patrick sa kanyang non-showbiz girlfriend and soon-to-be-wife na si Nikka Martinez.
 
Wala pang final details ang kasal pero pinag-uusapan na raw ito nina Patrick at Nikka, according to Cheska Garcia-Kramer, Patrick’s older sister.
 
Masaya naman si Jennylyn nang una niyang mabalitaang magpapakasal na ang kanyang ex-boyfriend.
 
“Siyempre masaya ako for Pat, na siyempre naging parte rin naman siya ng buhay ko. Forever siya part ng buhay ko dahil nga kay Jazz, ‘di ba?,” sabi ni Jennylyn.
 
Para sa Kapuso actress ang mahalaga ay masaya at tahimik na ang lahat.
 
Aniya, “Maganda yung merong peace of mind, walang samaan ng loob. Ang importante, yung happiness na naramdaman nila, nararamdaman din namin. And happy kami sa mga nangyayari sa buhay nila.”