Celebrity Life

Zeinab Harake, may special pamasko para sa kanyang mga kasambahay

By EJ Chua

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang bagong vlog ni Zeinab Harake. Kamakailan lang kasi, may special pa-day off at pamasko si Zeinab sa tatlo niyang kasambahay at mga katulong niyang nag-aalaga ng kanyang mga anak.

Sa naturang vlog, sinabi ng vlogger-actress na first time niyang makipag-bonding sa kanyang mga kasambahay sa labas ng bahay.

Una niyang isinama sa nail salon ang kanyang mga kasambahay at sabay-sabay silang nagpa-pamper. Ipinag-shopping din ni Zeinab ang kanyang mga kasambahay at pati na rin ang kanilang mga pamilya.

Sa kalagitnaan ng vlog, naka-video call nila ang boyfriend ng una na si Bobby Ray Parks, Jr.

Kasunod nito, naglaan din si Zeinab ng oras para makapag-relax muna siya kasama ang kanyang mga kasambahay.

Sa comments section ng vlog ni Zeinab sa YouTube, mababasa ang ilang positive comments mula sa kanyang fans at subscribers.

Matatandaang kamakailan lang nagsimula na ang artista journey ni Zeinab Harake. Kabilang siya sa cast ng pelikulang Kampon, isa official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival, kung saan nakasama niya si Derek Ramsay.

Sa kasalukuyan mayroon nang 13.9 million subscribers si Zeinab sa kanyang YouTube channel.