Celebrity Life

Barbie Forteza, Ruru Madrid, Bianca Umali, at ibang Kapuso artists ibinahagi ang kanilang New Year's resolution

By Kristine Kang

Looking forward ang ilang Kapuso stars sa nalalapit na bagong taon kaya naman naikuwento nila ang kanilang New Year's resolution sa darating na 2024.

Sabi ng Pulang Araw star na si Barbie Forteza, excited na raw niyang simulan ang kanilang action-historical drama kasama sina Alden Richards, Sanya Lopez, at David Licauco.

Masayang nag-Pasko si Barbie Forteza kasama ang kaniyang pamilya sa kanilang bagong bahay, na matagal nang pinangarap ng Sparkle actress. Kaya naman sa darating na bagong taon, motivated si Barbie sa kaniyang trabaho at i-improve pa ang kaniyang craft.

"More to come" raw ang sabi nina Primetime Action Hero Ruru Madrid at newest Sang'gre Bianca Umali sa darating na 2024.

Kuwento ni Bianca, "Itong 2023, nag-align lahat po eh, para sa amin as individuals at para sa sa aming dalawa na magkasama eh. Itong 2024, is more of the year for execution sa lahat ng bagay that we are excited for."

Sabi naman ni Ruru Madrid gusto niya i-challenge ang kaniyang sarili hindi lang sa pagpapaganda ng katawan pero pati rin sa kaniyang kalusugan.

Gusto naman ng The Missing Husband star na si Jak Roberto maging mas consistent sa kaniyang pag-aalaga ng katawan hanggang bagong taon.

Sa sobrang abala ni Jak , hindi na raw siya nakakapag- work out masyado noong October hanggang pa-December.

Parehas rin ang New Year's resolution ni Sang'gre star Kelvin Miranda.

"Mas gusto ma-achieve next year na sana maging mas physically fit ako and mentally ready sa lahat ng ma-e-encounter ko sa 2024," kuwento ni Kelvin.

Nagbahagi rin ng kanilang goals sa 2024 sina Makiling stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Ayon kay Derrick, gusto niya na gumising at matulog nang maaga para hindi magpapa-late sa set habang si Elle naman ay i-upgrade ang kaniyang sarili kada bagong taon.

Ang goal naman ng Kapuso actor na si Royce Cabrera ay related sa kaniyang layunin bilang isang artista.

"(Ang goal ko) yung ma-i-angat talaga yung kultura natin, yung industriya natin. Hindi pang sarili, kumbaga, pang lahatan," sagot ng Sparkle hunk.

Ikinuwento rin ng Asawa ng Asawa Ko star Liezel Lopez ang kaniyang planong mas galingan ang pag-arte at makakita ng improvement sa kaniyang buhay at career kada taon.

Para naman sa kaniyang co-star na si Martin Del Rosario, focused rin siya sa pagpapaganda ng katawan sa darating na 2024.

"More healthy, so stay fit. Kasi ngayon nagpapa-bulk, so next year kailangan ko mag-cut, cut naman, mas magpa-muscles. Wala lang, para mas maiba naman, para iba-iba yung look mo," sabi ni Martin.

Lahat ng Kapuso stars ay excited sa darating na bagong taon dahil mapapalabas na rin ang kanilang mga upcoming dramas sa GMA katulad ng Pulang Araw, Encantadia Chronicles: Sang'gre, Makiling , at Asawa ng Asawa Ko.