Isa rin ba kayo, mga Kapuso, sa mga nahilig sa notebooks kung saan bida ang mga sikat na artista?
Kung hindi n'yo naaalala ay minsan nang itinampok sa cover ng mga cute notebook ang ilan sa mga naglalakihang pangalan sa showbiz tulad nina Judy Ann Santos, Manilyn Reynes, Sandara Park, at John Lloyd Cruz.
Ang ilan dito ay may tema pa gaya ng pelikulang 'Harry Potter' at weather seasons na summer at winter.
Ilan din sa mga tampok sa cover ng notebooks noon ang mga paboritong palabas sa telebisyon gaya ng GMA shows na 'Encantadia' at 'Click.'
Let us all take a trip down memory lane at kilalanin ang mga sikat na minsa'y itinampok sa notebook covers.
Ang lakas maka-throwback ng notebook cover ni Judy Ann Santos!
Inalala ng award-winning TV personality na si Manilyn Reynes na usong-uso noong '80s at '90s ang mga notebook cover na tampok ang ilan sa pinakasikat na bituin sa show business.
Napa-throwback si Manilyn ngayong 2019 at ibinahagi ang larawan ng isang notebook cover kung saan siya tampok noong '80s.
Maangas ang notebook cover kung saan bumida ang 'Star Circle Quest' contestant na si Joseph Bitangcol.
Angel Locsin at the start of her career.
Pati si Papa P, may notebook cover din.
Futuristic ang tema ng notebook cover ng multi-awarded actress na si Bea Alonzo.
Rock on, Claudine Barretto!
Nag unwind si Joross Gamboa sa alps para sa kaniyang notebook cover. Refreshing.
Sama na kay John Lloyd Cruz sa biyahe papuntang Hogwarts.
Nakakatunaw ang smile ni Diether Ocampo
Ready na para sa summer si Jolens!
Huwag gagalitin si Baron Geisler kung ayaw niyong makatikim ng "BaronWondo."
"Study hard!" daw sabi ni Ramon Bautista.
Nagkaroon din ba kayo ng Encantadia na notebook?
Powerful ang superhero version ni Sarah Geronimo sa notebook cover niya.
Bago pa naging KPop superstar si Sandara Park, kitang-kita ang pagka-cute niya sa notebook cover na ito.
Tutulungan ka ni John Pratts mag-focus sa iyong studies.
Hindi naiwasang matawa ng 'Encantadia' star na si Glaiza de Castro nang makita ang isang cover ng notebook kung saan ipinapakita na isa siyang prinsesa. Hirit ni Glaiza sa Instagram Story, “Anyway gaiz, si Rapunzel po talaga ako dati.”
Madalas tampok ang former 'Sahaya' actress na si Ana Roces sa mga nauso noong '90s na notebook covers, kung saan bida ang mga sikat na artista.
Natuwa ang 'StarStruck' First Princess na si Rich Asuncion na minsan din siyang na-feature sa notebook covers noon. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Rich, “Major throwback Naabutan ko pala yung mga artista ang cover ng notebooks.”
Nostalgic para sa All-Out Sundays star na si Mark Bautista ang tinagurian niyang 'quarantine finds' nang makita niya ang ilang notebook covers kung saan tampok siya noong October 2020.
Maging ang pictures ng 'Click' barkada ay nailagay sa notebook covers noon. Tampok dito sina Alessandra de Rossi, Angel Locsin, Karen delos Reyes, Chynna Ortaleza, Railey Valeroso, Polo Ravales, at Dyan Delfin.
Napa-laughing emojis si Karen Delos Reyes nang madiskubre niyang may solo notebook cover siya kung saan tampok ang kaniyang "picture-perfect" poses.