Celebrity Life

Chef Boy Logro's advice to aspiring chefs

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Dahil sa sipag ni Chef Boy Logro, isa na siya sa pinakasikat na chef sa Pilipinas. Ibinahagi ng kuwelang chef ang kanyang sikreto kung paano niya nakamit ang kanyang mga pangarap, at kung ano ang kanyang maipapayo sa mga taong nais maging mahusay sa pagluluto tulad niya.
 
Pahayag ni Chef Boy, “Kapag gustong mag-aral, focus on your dream. Don't stop learning. Kailangan try and try until you succeed ‘di ba? Kasi ganoon [naman dapat] ‘di ba?”
 
Para kay Chef Boy, magandang mag-aral na magluto, pero bukod dun dapat ay may passion rin ang tao sa pagluluto. Aniya, “Ang pagluluto e, pag-aralan mo sa sarili mo, magagawa mo. Kung ano ginagawa mo na masarap, kapag natikman ng iba na masarap, ‘yun na ‘yun. That is your creation, that is your style. Passion mo na ‘yun so wala ng magtatanong dun na hindi masarap kasi masarap, ikaw na ‘yun [style na yun].”
 
Dagdag ni Chef Boy, kahit sino puwedeng bumuo ng sarili nilang recipe. Ang mahalaga lamang ay paniwalaan ang sarili na kaya nilang bumuo ng kahit ano.
 
“You can create, you can develop, basta lahat. Kung gusto mong maging chef. Try yourself, believe in yourself, maniwala ka, kaya mo iyon,” saad niya.
 
May mga pagkakataon umanong hindi swak ang mabubuong recipe ng isang tao. Ngunit, dapat ay ipagpatuloy lang nila ang kanilang ginagawa para makuha ang lasang kanilang hinahanap.
 
“You must be strong. Kaya mo iyan, [dapat laging nasa isip] masarap ‘yung luto ko which is true. Ganoon po ako,” payo ni Chef Boy.