Celebrity Life

Meet Jillian Ward's 'new parents'

By EUNICIA MEDIODIA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Muling nagbabalik ang cute na cute na si Jillian Ward sa My BFF. Ginagampanan niya ang katauhan ni Chelsea, ang anak nina Christian (Janno Gibbs) at Lyn (Manilyn Reyes).

Nakipagkuwentuhan ang bibong bata sa GMANetwork.com tungkol sa bago niyang palabas sa GMA.

Sa story daw magiging ghost si Chelsea at siya ang magiging best friend ni Rachel (Mona Louise Rey).

“Kasi po siya lang ang nakakakita sa akin kaya parang best friend ko po siya. At saka family ko rin siya,” kwento ni Jillian.

Hindi na bago kay Jillian na makatrabaho ang magiging parents niya rito. Dahil nakasama niya na rin daw si Manilyn Reyes sa isa pang show, ang Daldalita, kung saan bida rin siya.

“Napakabait niya (Manilyn) po talaga. At saka po si Tito Janno. ‘Yung relationship po namin talagang mommy at daddy,” nakangiti niyang sabi.

May oras ng laro at may oras din kung saan seryoso na sila lalo na pag nag-re-rehearse ng mga lines sa show. Tinutulungan din daw si Jillian ng kanyang mommy sa My BFF.

Sa West Field International pumapasok si Jillian at sa September na raw ang simula ng kanyang klase.

Paano niya ba na-ba-balance ang kanyang studies sa kabila ng taping days?

“Nag-ri-rest po ako pag walang taping. Pumupunta po ako sa school pag may exam.”

Gusto raw ni Jillian maging businesswoman para makatulong sa kanyang mga magulang. Kaya naman puspusan din ang kanyang pag-aaral.

“If you don’t study when you grow up, wala ka pong masyadong alam. Pag sa job mo mahihirapan ka mag-apply pag wala ka pong pinag-aralan,” pangaral niya.

Ano naman kaya ang paborito niyang subject sa school?

“Math, History, English. Isa pa pong Math, merienda, agahan, tanghalian, hapunan. Importante pong kumain,” natatawa niyang sagot.

Abangan ang bibong si Jillian Ward bilang Chelsea sa My BFF bago mag-24 Oras.