Celebrity Life

Arra San Agustin, nag-scuba diving sa Batangas

By Marah Ruiz

Inilunsad kamakailan ni Kapuso actress Arra San Agustin ang kanyang bagong YouTube channel.

Layunin ni Arra na mas maipakita ang kanyang fun-loving side sa serye ng vlogs na ibabahagi niya dito.

Sa unang video ni Arra, isinama niya ang kanyang followers sa kanyang road trip papunta ng Anilao, Batangas.

Kasama ni Arra dito ang kanyang bestfriend of 13 years na si Mark.

Sa kanyang pangalawang video, masayang ipinakita ni Arra ang pagbisita niya sa PamAnilao and Padoy's Dive Camp para mag-scuba diving.

Panoorin ang diving adventure ni Arra Sa Agustin sa Batangas sa kanyang vlog dito:



Bahagi si Arra ng full action series na Black Rider kung saan gumaganap siya bilang Joan, ang fiance ng karkater ni Matteo Guidicelli na si Paeng.

Kasalukuyang nasa ospital si Joan at tulala dahil sa trauma na tinamo matapos i-massacre ang kanyang pamilya.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.