Celebrity Life

Mariel Pamintuan sings 'La Vie en Rose' with a twist

By Marah Ruiz

May itinatago palang talento sa pagkanta si Kapuso actress Mariel Pamintuan.

Sa isang video sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang maikling song cover niya ng kantang "La Vie en Rose."

Bukod sa magandang boses ni Mariel, isang nakakaaliw na twist din ang dapat abangan sa kaniyang video.

Ang "La Vie en Rose" ay isang sikat na French song mula sa singer na si Edith Piaf.

Dahil sa popularidad ng kanta, nagkaroon ito ng English version na isinulat ni American lyricist and songwriter Mack David.

Panoorin ang pagkanta ni Marien Pamintuan ng "La Vie en Rose" dito:

A post shared by Mariel Pamintuan (@_marielpamintuan)

Bahagi si Mariel ng hit full action series na Black Rider kung saan gumanagap siya bilang Angie, ang anak ng kapitana ng Brgy. Palangga.

Sa ika-12 linggo ng serye, naghahanda na si Angie para sumali sa inter-barangay beauty pageant. Ibang barangay ang kakatawanin niya dahil hindi siya ang napili ng mga taga-Palangga.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.