Celebrity Life

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, may bagong adisyon sa pamilya

By Marah Ruiz

Isang bagong miyembro ang nadagdag sa pamilya ng celebrity couple na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Ibinahagi nina Dennis at Jennylyn na sinalubong nila ang 2024 sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kanilang mga alagang hayop.

Pinili nilang maging furparents sa isang mini poodle.


"Nag-research muna kami talaga bago namin piliin kung ano 'yung bagay na aso para sa amin," bahagi ni Dennis.

Dagdag naman ni Jennylyn na napili nila ang breed na poodle dahil hindi ito malakas maglagas ng buhok. Malaking factor ito lalo na sa kalusugan ng anak niyang si Jazz.

"Oo, kasi si kuya Jazz, grabe 'yung allergies niya. Marami kaming cats so hindi niya masyadong nae-enjoy. Though gustung gusto niya talagang yakapin, gusto niyang laruin. pero yun nga, marami siyang mga pantal, inuubo, sinisipon so hindi talaga pwdee. Nag-research kami ng mga dogs na hypoallergenic na pwedeng pwede kay Jazz," paliwanag ng aktres.

"Provence" ang ibinigay ng pangalan ng kennal sa aso at hindi pa nabanggit nina Dennis at Jennylyn kung may balak pa silang palitan ito.

Tuwang-tuwa ang dalawa dahil sa hitsura at temperament ng kanilang bagong alaga.

"Kamukha nga niya 'yung emoji. Sobrang bait niya, sobrang friendly," paglalarawan ni Dennis.

"Very calm," sabi naman ni Jennylyn.

A post shared by Designer Z Giant Poodles (@zgiantpoodles)

Napili nila ang kanilang bagong pet mula sa Z Giant Poodles na pagmamay-ari ng cosmetic surgeon na si Dr. Z Teo na siya ring CEO at founder ng The Aivee Group at asawa ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo.

Kabilang sina Sarah Lahbati at Sofia Andres sa maraming celebrity clients ang Z Giant Poodles.

Bago ang kanilang mini poodle, may 11 na mga pusa sina Dennis at Jennylyn.