Celebrity Life

Andrea Torres shares dating tips and red flags

By Kristian Eric Javier

Matapos ang ilang taon ng pagiging single, balik na sa “dating game” ang aktres at former Love Before Sunrise star na si Andrea Torres. Kaya naman nagbigay siya ng ilang dating tips at red flags na dapat iwasan kapag makikipag-date.

Unang sinabi ni Andrea na nakikipag-date na siya uli sa Updated with Nelson Canlas podcast at hiningan siya ng mga tips na puwede niyang ibahagi tungkol sa pakikipag-date.

“Kapag pupunta ka dun, relax ka lang, be yourself, be yourself talaga kasi ganun din e, dun din naman mapupunta 'yun e,” sabi ni Andrea.

Dagdag pa niya, sa ganitong paraan ay hindi na magpapaligoy-ligoy pa ang dalawang gustong makipag-date at puwede na mag-move on agad kung sakaling hindi sila "swak."

Sinabi rin ni Andrea na importanteng kilalanin mo muna ang taong dine-date mo.

“No rush, kahit na anong edad ka pa, wala namang timetable 'yan e. Lalo na ngayon, mas late na ang mga girls mag-family, talagang medyo nagsa-start munang ibuo 'yung sarili nila,” sabi niya.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA JAW-DROPPING SEXIEST PHOTOS NI ANDREA SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa dating tips ay tinanong din si Andrea ng mga red flags o mga senyales na hindi kayo swak ng dine-date mo. Para sa aktres, isa sa kaniyang mga red flags ay kapag hindi pantay ang trato ng kaniyang ka-date sa isang tao at walang paggalang dito.

Dagdag pa ni Andrea, “Tinitingnan ko rin 'pag 'yung topic puro ba sa kaniya, may ganun e. Parang may way siya na bumabalik sa kaniya 'yung topic.”

Isang red flag din kay Andrea ang pagiging mapangmata ng isang tao. “Ayoko ng nangmamaliit ng tao, or may ma-comment siya na ganun, may level sa kaniya 'yung mga tao.”

Nang tanungin kung ano ang gagawin niya sa ka-date na nakitaan ng red flags, inamin ni Andrea na mahirap sabihin dito ng deretso “pero parang feeling ko nararamdaman naman.”

“Itutuloy ko naman ('yung date), hindi naman ako magwo-walk out, pero parang wala lang. Usually mapapansin mo na lang na hindi na kayo magde-date ulit,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Andrea rito: