Celebrity Life

“We might surprise you one day” – Sarah Lahbati on wedding issue with Richard Gutierrez

By ANN CHARMAINE AQUINO



Dahil sa naging statement ni Sarah Lahbati na gusto niya magkaroon ng twins after Baby Zion, marami ang nagtatanong kung may wedding plans na ba sila ng kanyang longtime boyfriend na si Richard Gutierrez.

Ibinahagi ni Sarah na mas matatag ang relasyon nila ni Richard ngayong dumating na si Zion sa kanilang buhay kaya naman marami ang nagsasabi na ito na ang tamang panahon para magpakasal ang dalawa.

Ayon kay Sarah, mas maganda na gumawa sila ng one major decision at a time.

“Ngayon masaya kami, gusto namin one decision at a time. Ayaw namin madaliin ang mga bagay. We're very happy to have Zion and ang bilis ng panahon. You never know baka magulat na lang kayo,” saad ng aktres.

May mga haka haka rin na baka isang big announcement ang gawin nila Richard at Sarah patungkol sa kanilang balak na pagpapakasal.

“Baka magulat na lang kayo [kasal na kami],” pabirong pahayag ni Sarah.

Dagdag niya, “Mahilig kami sa surprises. We might surprise you one day, with another surprise”.